Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

3 arestado sa anti-illegal mining ops sa CDO, P15.6M equipment nasamsam

CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ang tatlong lalaki sa anti-illegal mining operation ng Philippine National Police (PNP) sa Barangay Tumpagon, Cagayan de Oro City noong May 4.

Isinagawa ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cagayan de Oro City Field Unit at CIDG Regional Field Unit 10, sa koordinasyon ng Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources Region 10 at local police units.

Bahagi ang operasyon ng Oplan Kalikasan laban sa paglabag sa Republic Act No. 7942, o Philippine Mining Act of 1995.

Kinilala lamang ang mga suspect sa alyas na “Fred,” “Boy,” at “Jake,” pawang lalaki at nasa legal age. Naabutan umano silang nagsasagawa ng excavation activities nang walang kinakailangang permits mula sa MGB-DENR.

Nasamsam sa operasyon ang heavy equipment at mining tools na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P15.6 million.

Kabilang sa mga nakuha ang backhoes, water pumps, welding machines, generator sets, trommels, at iba pang tools na ginagamit umano sa unauthorized extraction activities.

Pinuri ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang operating units sa matagumpay na enforcement action at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagprotekta sa likas na yaman ng bansa.

“Ang PNP ay tuloy-tuloy sa pagbabantay laban sa mga gawaing lumalabag sa ating environmental laws. Hindi po natin hahayaang maabuso ang likas na yaman ng bansa,” ani Nartatez.

“We remain firm in supporting lawful and responsible use of our resources, in line with our mandate to serve and protect,” dagdag niya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles