Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

2026 Semirara coal bidding, ipinatigil ng DOE matapos ang 5 buwang delay

Tuluyan nang ipinatigil ng Department of Energy (DOE) ang 2026 coal bidding round na kinabibilangan ng pinakamalaking minahan ng karbon sa bansa sa Semirara Island, Antique, matapos ang halos limang buwang pagkaantala.

Sa advisory, kinansela ng DOE ang bidding para sa tatlong pre-determined areas na nakalaan para sa development and production coal operating contracts.

Sakop nito ang 10 coal blocks na may 10,000 ektarya sa Semirara Island; tatlong blocks na may 3,000 ektarya sa Amulung at Iguig, Cagayan; at limang blocks na may 5,000 ektarya sa Benito Soliven, Naguilian at Cauayan, Isabela.

Ayon sa DOE, nagpasya itong ihinto ang bidding matapos maglahad ng concerns ang stakeholders sa mga isinagawang pre-submission conference.

Binanggit din ng kagawaran ang patuloy na water seepage at iba pang developments na nakaaapekto sa Semirara Island, kasama ang legal considerations.

Dahil dito, sinabi ng DOE na kailangan nitong muling suriin ang evaluation criteria sa pagpili at pag-award ng coal operating contracts.

Target ng ahensya na bumuo ng “fair, equitable, transparent, and comprehensive evaluation framework” para sa coal areas na may confirmed o established reserves.

Layunin din nitong matiyak ang “appropriate and measurable economic returns and benefits commensurate with the value and characteristics of the offered area.”

Sentro ng bidding ang Semirara coal area na kasalukuyang ino-operate ng Semirara Mining and Power Corp. (SMPC). Mag-e-expire sa July 14, 2027 ang kasalukuyang coal operating contract nito.

Ayon sa DOE, nasa 10 porsiyento ng kabuuang coal requirement ng bansa ang sinusuplay ng Semirara. Noong 2024, umabot sa 14.92 milyong metriko tonelada o 93.7 porsiyento ng domestic coal production ang nagmula sa SMPC.

Nauna nang naantala noong April ang coal bid round na inilunsad noong February habang tinutugunan ng DOE ang mga clarification mula sa prospective bidders.

Hindi naman tuluyang isinasara ang pinto sa bagong bidding. Naghahanda ang DOE ng revised regulatory framework para sa susunod na contracting process at target pa ring magsagawa ng panibagong auction sa loob ng 2026 kapag na-finalize na ang bagong rules. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles