Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

2 timbog sa gas-and-run sa QC

Dalawang suspek ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng gas-and-run incident sa isang gasolinahan sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Naganap ang insidente bandang 3:10 AM noong April 20 sa Payatas Road, kung saan umalis ang isang motorista nang hindi nagbabayad ng P1,500 halaga ng gasolina. Naiulat ang insidente kinabukasan ng umaga.

Agad nagsagawa ng follow-up operations ang mga tauhan ng Payatas Bagong Silangan Police Station o PS-13 sa ilalim ng Quezon City Police District.

Sa pamamagitan ng koordinasyon at vehicle tracing, natukoy ng mga imbestigador ang chain of ownership ng sasakyan hanggang sa kasalukuyang gumagamit nito. Nagresulta ito sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng dalawang suspek. Patuloy naman ang manhunt sa isa pang indibidwal na pinaniniwalaang sangkot sa insidente.

Ang dalawang naaresto, na kapwa nasa hustong gulang, ay nasa kustodiya na ng pulisya at haharap sa kasong estafa, na sasailalim sa inquest proceedings. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles