Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

2-day transport strike umarangkada vs oil price hikes; libreng sakay inilatag

Umarangkada nitong Lunes, September 14, ang dalawang araw na transport strike ng grupong Manibela bilang protesta sa patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo, habang naglatag ng libreng sakay ang ilang local government units para sa mga pasaherong apektado ng tigil-pasada.

Nagsimula ang strike ngayong Lunes at magpapatuloy hanggang Martes, September 15, kasabay ng panibagong malaking oil price hike na inaasahang ipatutupad ngayong linggo.

Ayon sa mga estimate ng industriya, posibleng tumaas nang hanggang P5 kada litro ang presyo ng ilang fuel products ngayong linggo. Patuloy na mataas ang global oil prices dahil sa conflict sa Middle East na nakaaapekto sa international petroleum market.

Sa pinakahuling projections, posible ring lumampas sa P100 kada litro ang ilang fuel products sa piling gas stations kapag ipinatupad ang bagong dagdag-presyo.

Iginiit ng Manibela na direktang kinakain ng tumataas na fuel costs ang arawang kita ng mga driver at operator. Kasabay ng strike, nanawagan din ang grupo para sa fare increase upang matulungan ang public utility vehicle drivers na makayanan ang pagmahal ng krudo.

Sa Maynila, nagdeploy ang city government ng mga sasakyan para magbigay ng libreng sakay sa mga commuter bilang contingency measure habang nagpapatuloy ang transport strike.

Samantala, mahigit 7,000 police personnel ang ipinakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa security operations at pagtulong sa mga posibleng ma-stranded na pasahero.

“We understand the concerns raised by the transport group on this particular issue. Just like all the other motorists, we in the PNP are also affected by the oil price increase,” ani Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

“But we have a mandate to perform, an obligation to ensure peace, order and safety for everybody at all times. We respect your right to hold transport strike, we expect the same for our personnel on the ground who were tasked to ensure public order and safety,” dagdag niya.

Nagdeploy din ng mga pulis para sa traffic assistance, checkpoints, border control, foot patrols, mobile patrols at motorcycle patrols.

Inatasan ni Nartatez ang police units na makipag-coordinate sa local government units at iba pang ahensya upang tulungan ang mga commuter na maaaring ma-stranded.

Nakatakdang matapos ang transport strike sa Martes, September 15. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles