Aabot sa 1,329 magsasaka sa Caraga Region ang makikinabang sa patuloy na Fuel Assistance to Farmers Program ng Department of Agriculture-Caraga (DA-13).
Bawat kwalipikadong benepisyaryo ay tatanggap ng fuel subsidy card na nagkakahalaga ng ₱5,000 upang makatulong sa gastos sa pagpapatakbo ng farm machinery.
Iniulat ng DA-13 na ₱6.3 milyon ang inilaan nito para sa programa, na ipinatutupad mula July 29 hanggang September 4.
“Two releases were already facilitated under the program — on July 29 in Kitcharao, Agusan del Norte, and in San Agustin, Surigao del Sur, on Aug. 6,” ayon sa datos ng DA.
Nakatanggap na ng fuel subsidy cards ang 208 magsasaka sa Kitcharao at 542 benepisyaryo sa San Agustin sa magkahiwalay na distribution activity.
“The program aims to ease the operational and machinery costs of farmers due to the rising petroleum prices,” pahayag ng DA-13.
Mula August 11 hanggang 15, nakatakdang tumanggap ng fuel discount cards ang 102 benepisyaryo mula sa iba’t ibang bayan sa Agusan del Norte.
Susundan sila ng 88 magsasaka sa Dinagat Islands mula August 18 hanggang 21.
Sa August 25, nakatakdang mabigyan ang 15 benepisyaryo sa Agusan del Norte at Surigao del Norte.
Samantala, 305 pang magsasaka sa Surigao del Sur ang tatanggap ng kanilang subsidy cards mula September 1 hanggang 4.
Layunin ng tulong na bawasan ang pasanin ng mga magsasaka sa tumataas na presyo ng petroleum products, partikular sa paggamit ng fuel-powered machinery sa kanilang mga bukid. /Bistado


