Ngayong Linggo, May 3 ang 54th birthday ni Wally Bayola pero kahit nagpapagaling pa ito sa Bicol ay hindi siya nakalimutang ng kanyang “Eat Bulaga” family at nag-celebrate nga sila ng kaarawan ng komedyante sa TV5 studio noong Sabado.
Naging emosyonal ang nasabing selebrasyon dahil for the first time via zoom ay ikinuwento ni Wally ng detalyado ang nangyaring motorcycle freak accident niya sa Andaya Highway, Barangay Bel-Cruz sa Lupi, Camarines Sur noong March 29.
Ayon sa kuwento ng komedyante, nagka-blood clot daw siya sa labas ng bungo at naapektuhan din ng husto ang ankle niya.
Kuwento pa ni Wally, multiple fracture raw ang natamo ng pinaka importanteng buto sa paa at binti niya kaya hindi pa siya makatayo, makalakad at wala pa rin daw siyang balanse hanggang ngayon.
Anim na turnilyo raw ang nilagay sa nasirang buto niya at baka abutin pa ng dalawang buwan bago niya muling maitapak ang mga paa niya.
Panalangin ni Wally na sana mabuhay raw muli ang buto niya sa paa para muling makalakad at makapagtrabaho na ulit.
Mukhang mahaba-habang buwan pa ang magiging pahinga ni Wally para maka-recover sa natamong pinsala.
Samantala, halatang na miss na miss na ng Dabarkads ang kakulitan ni Wally sa noontime show. More than one month nang hindi nila nakakasama sa “EB” si Wally.


