Bahagi pa rin ng naganap na media conference ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto after ng kanyang SOPA (State of Province Address) ang naging tugon nito sa usapin ng National Artist.
May mga members of the media kasi na nagtanong sa aktres-pulitiko dahil isa nga ang Star for All Seasons sa nagkaroon ng malakas na panawagan at nominasyon para sa kategoryang National Artist for Film and Broadcast Arts.
Ang mga solid fans niya at maraming mga organisasyon sa loob at labas ng showbiz sa pamumuno ng AKTOR sa liderato ni Dingdong Dantes at maraming mga socio-civic, education, religious, women’s groups, youth groups, LGBTQ at mga LGU’s ang patuloy siyang ipinaglalaban para maibigay na sa kanya ang naturang parangal, na sabi nga nila ay sobrang long-overdue na.
“Again, I’m so grateful and thankful sa lahat ng mga nagsusulong nito para sa akin. Mataas ang respeto ko sa National Artist, sa NCCA at ibang namamahala dito. But kung hindi talaga para sa akin at hindi pa time, be it. Tanggap na tanggap ko, if it’s not meant to be, not meant for me,” panimulang pahayag ni ate Vi.
“Hindi naman dedepende ang buhay natin nang dahil sa isang award. Magpapatuloy ang pag-andar at pagpapatakbo ng buhay nang hindi naka-depende sa award. Sa 63 years ko sa showbiz, sobrang sapat na marahil yung naging legacy ko, yung naging mga contribution ko at siguro naman ay marahil nasuklian ng tama ng industriya ang mga nagawa ko, by making me the person that I am today. And for that, I will be forever grateful, thankful,” saad pa ni ate Vi.
Aniya pa, “yung klase din ng respeto at pagmamahal na ibinibigay ng mga co-workers ko sa industry, mga kapwa artista, nagtitiwalang producers, writers, mga fans, lahat sila, more than enough ng award para sa akin.”
Ipinahayag din ng TV-movie legend at box-office queen na sa punto ng kanyang buhay sa ngayon ay naka-pokus siya sa pagharap at pagtulong sa mga buhay ng mga taong nasasakupan ng Batangas province, at kahit pa nga sa labas ng lalawigan.
“Bilang Ina ng lalawigan, mas marami pa akong gagawin at ibibigay para sa mga constituents namin. Bilang isang tapat na lingkod bayan, ito ang priority ko sa ngayon kasama ang aking pamilya at lahat ng mga taong nakasuporta at tumutulong. Nag-eenjoy ako,” bahagi pa ng tugon ni ate Vi.
Muling inulit ng 4-time grandslam Best Actress at acting icon na napakalaki ng utang na loob niya sa showbiz at kaya siya nasa mundo ng public service ay dahil na rin sa mga natutunan at naiambag sa kanya ng showbiz industry.
“Magkakaroon pa rin ako ng mga projects o commitment sa showbiz kaya’t nandiyan pa rin naman tayo, kaya lang at this point of time, masaya ako sa public service. Let me do my work here dahil sa mga totoong nakaka-kilala sa akin, alam naman nila kung paano akong magtrabaho. So again, let my work speak for itself dahil at the end of day, soon, history naman ang isa sa magsasabi kung naging mabuti ka, maayos ka at may mga magaganda at makabuluhan kang nagawa, sa showbiz man o sa pulitika,” pagtatapos pa ni Gov. Vilma Santos-Recto.


