Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Thailand, Vietnam may mga koponan sa PVL Invitational

Hahamunin ng EST Cola ng Thailand at Ho Chi Minh City Volleyball Club ng Vietnam ang mga lokal na koponan sa pagsisimula ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City sa Lunes.

Ang dalawang dayuhang koponan ay maghahatid ng ibang estilo ng volleyball na hinubog ng mga kompetisyon sa labas ng Pilipinas.

Ang EST Cola, na dating binubuo ng Under-20 national squad, ay alam na kung ano ang kinakailangan upang makipagkompetensya sa Invitational.

Nagtapos ito sa ikaapat na puwesto sa unang pagsali noong 2024, matapos matalo sa straight sets sa Kurashiki Ablaze ng Japan, na kalaunan ay nagtapos sa ikatlong puwesto at siyang kampeon noong 2023.

Pangungunahan ang Thai side ng mga hitter na sina Papatchaya Phontham at Nannaphat Moonjakham, mga middle blocker na sina Waruni Kanram, at mga libero na sina Jiratcha Naoprachum at Nichakorn Wansuk.

Magkakasama silang naglaro sa VTV International Cup sa Vietnam noong nakaraang taon, na nagbigay sa EST Cola ng dagdag na teamwork na magiging mahalaga sa torneo.

Samantala, sabik ang Ho Chi Minh City na burahin ang alaala ng ikaanim na puwestong pagtatapos ng Vietnam sa 2023 Invitational, nang hindi man lamang nakapagwagi ng isang laban.

Iba na ang mga kinatawan ang Ho Chi Minh City Volleyball Club at determinado silang ipakita na nananatiling malaking puwersa sa rehiyon ang Vietnamese volleyball.

Pangungunahan ang koponan ng mga hitter na sina Thi Kim Thanh Dang, Thi Bich Diep at Thi Nha Phuong Nguyen, at mga middle blocker na sina Thi My Xuyen Le, Thi Nhung Dao at Thi My Duyen Dang.

Sa mga local na kalahok, hangad ng Creamline ang ikatlong kampeonato sa loob ng limang taon, nais ng PLDT na maging back-to-back champion, at handa rin ang Nxled at Farm Fresh sa mahirap na hamon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles