Iba-ibang Philippine teams ang muling nagdala ng karangalan sa bansa ng mga nakaraang araw.
Ipinakita nina Juan Miguel Magallanes at Brenton Angelo Lo Wong ang magandang kinabukasan ang mga Pilipino sa speedcubing, isang sport na kinabibilangan ng paglutas ng mga twisty puzzle gaya ng Rubik’s Cube, sa pinakamabilis na oras na posible.
Nag-uwi sina Magallanes at Wong ng mga medalya mula sa Malaysia National Speed Cubing Open sa Kuala Lumpur.
Nanguna ang 12-anyos na si Magallanes sa 2×2 (1.06s best/ 1.47s average) at pumangalawa sa 3×3 (4.48s best/6.45s average) at 3x3x3 One-Handed (11.06s best/12.26s average).
Nagkamit din siya ng gintong medalya sa relay bilang miyembro ng Team BTJ, kasama sina Wong at Malaysian na si Tee Kai Yang.
“When I started cubing almost three years ago, I was just happy getting sub-20 in 3×3 and sub-5 in 2×2,” ani Magallanes.
“One of the biggest lessons cubing has taught me is that you don’t always realize how far you’ve come until you stop and look back at where you started. What once felt impossible can slowly become reality when you keep practicing, keep learning, and, most importantly, keep showing up.”
Bukod sa gintong medalya sa relay, pumangatlo si Wong sa 3×3 (5.36s best/5.54s average).
“I’m very thankful for God’s guidance and for the support of my parents and sponsors,” ani 20-anyos na si Wong, isang junior marketing student mula sa Ateneo de Manila University.
Sinabi ng two-time national speed cubing champion na umaasa siyang magsisilbing inspirasyon sa kabataan ang mga medalya na kanilang napanalunan sa Malaysia upang sumali sa mga mind game at makipag kompetisyon sa ibang bansa.
“Under the newly formed National League of Mind Sports in the Philippines, I firmly believe that we can produce more players,” ani Wong.
Samantala, ang national kickboxing team ay may apat na ginto mula sa 2nd Cross-Strait Cities Kickboxing Invitational Tournament na ginawa sa Sai Kung, Hong Kong.
Ang mga nagwagi ay sina Aime Ramos, women’s 48kg full contact; Gretel De Paz, women’s 56kg full contact; Dave Justin Galas, men’s 51kg K1; at Shiandris Nganhayna, men’s 54kg K1.
Pinatunayan rin ng Philippine Obstacle Course Racing ang talento nang manalo sa mixed 30+ 400m team event ng 2026 OCR World Championships sa Limerick, Ireland.
Ang koponan ay binuo nina Southeast Asian Games champions Sandi Menchi Abahan, Marites Nocyao, Jeffrey Reginio at Jordan Paul Billones na nanalo sa bilis na 2 minuto at 18.400 segundo. Tinalo nila ang mga koponan ng United States (2:29.601) at Canada (2:52.746).
Humakot naman ng 25 medalya ang national fencing team sa Southeast Asian Fencing Federation Junior and Cadet Championship sa Kuala Lumpur, Malaysia — 5 ginto, 7 pilak at 13 tanso.


