Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sundalo, tiklo sa putukan sa Taguig

Arestado ang isang 26-anyos na private first class ng Philippine Army matapos umanong magpaputok ng baril sa Taguig City noong August 3.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), rumesponde ang mga pulis sa Mastrili Street, Dulong Bayan, Barangay Bambang, kung saan narekober ng mga imbestigador ang isang basyo ng bala.

Sa tulong ng mga salaysay ng saksi at CCTV footage, natukoy at natunton ng mga awtoridad ang suspek bago ito inaresto.

Nakuha umano sa kanyang pag-iingat ang isang M1911A1 caliber .45 pistol at limang bala.

Hindi umano nakapagpakita ang sundalo ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF), rehistro ng baril o anumang dokumentong nagpapahintulot sa kanya na magmay-ari o magdala ng naturang armas.

Isasailalim ang nakumpiskang baril sa ballistic at cross-matching examination upang matukoy kung ginamit ito sa naiulat na pagpapaputok at kung may kaugnayan sa iba pang insidente.

Patuloy ding bineberipika ng mga imbestigador kung may valid LTOPF, firearm registration o Permit to Carry Firearms Outside Residence ang suspek.

Inihahanda na ang mga kasong Alarms and Scandal sa ilalim ng Article 155 at Illegal Discharge of Firearm sa ilalim ng Article 254 ng Revised Penal Code.

Mahaharap din umano ang suspek sa mga paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Isasailalim ang mga reklamo sa inquest proceedings sa Taguig City Prosecutor’s Office. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles