Sa naging sagad-sagarang promo ng SIGABO nian Coco Martin at Julia Montes, dapat lang marahil na maging ‘worth it’ ang naitalang record ng pilot episode nitong nagsimula noong Lunes, June 22.
Halos nilibot nina Coco at Julia ang malalaki at matataong lugar sa bansa gaya ng mga malls sa Manila, mga key cities sa Cebu, Pangasinan at ilan pang lugar na naitalang maraming following ang ABS-CBN at si Coco Martin.

Nagkaroon sila ng meet and greet, motorcade at iba pang activities kasama ang iba pang cast members ng action-drama-comedy series na SIGABO.
Nagkaroon ito ng grand media conference na live pang ipinakita sa TV Patrol kasama ang interview kina Coco at Julia na personal ding involve sa production bilang tagahawak ng finances bukod sa pagiging leading a;lady ni Coco na siya ding producer, writer at isa sa mga direktor.
Bukod pa diyan, todo-todo din ang naging pakikipag-tie up nila sa mga network na ALLTV at TV5 at iba pang platform to ensure na mas malaki ang reach ng series kahit sa ibang bahagi ng mundo na may Filipino channels o subscription sa mga local broadcast stations sa bansa.
Sa naitala nitong pilot episode record, umabot ng mahigit na 400,000 live concurrent viewers online at tinatayang may double digit na rating sa TV.
Aabutin pa daw ito ng milyon sa iba pang platforms na kasalukuyang ina-assess pa base sa oras at live na panonood at mga umuulit itong panoorin.


