Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Senado walang pondo sa ‘pakain’ ng depensa ni VP Sara

Hindi kayang sagutin ng Senado ang gastos sa pagkain at catering services ng defense team ni Vice President Sara Duterte sa nagpapatuloy na impeachment trial, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian nitong Huwebes.

“In short, wala kaming pondo para magbigay ng pagkain,” ani Gatchalian sa mga reporter.

Sinabi niyang kailangang unahin ng Senado ang natitirang pondo para sa ibang gastusin, kabilang ang nalalapit na deliberasyon sa panukalang 2027 national budget. Posibleng kailanganin umanong umupa ng lugar sa Philippine International Convention Center dahil ginagamit sa impeachment trial ang mga committee room ng Senado.

Sa liham na may petsang July 7 at nilagdaan ni Duterte, hiniling ng Office of the Vice President (OVP) na pasanin ng Senado ang “reasonable costs” ng pagkain, inumin at catering services para sa defense team, support staff at mga testigo.

“As these arrangements are required solely in connection with these proceedings, the OVP respectfully requests that the Senate shoulder the reasonable costs of food and beverage and catering services for the defense team, support staff, and witnesses,” saad sa liham.

Hiniling din na sa itinalagang holding room lamang ihain ang pagkain at inumin ng kampo. Gusto rin ng OVP na manggaling, ihanda at ihain ang mga ito nang eksklusibo ng accredited caterer nito dahil sa security concerns.

“To address legitimate security concerns and to provide the necessary level of assurance to all concerned personnel and witnesses, all food and beverage shall be sourced, prepared, and served exclusively by the OVP’s accredited caterer,” saad sa liham.

Una nang sinabi ni Senate Secretary Renato Bantug na hindi kakaiba ang pagkuha ng sariling caterer dahil may sarili ring caterer ang prosecution team.

Kinuwestiyon naman ni House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon kung bakit Senado ang magbabayad habang OVP ang pipili ng provider.

“’Yung defense, mayroon silang OVP general budget,” ani Ridon. “’Yung House, mayroon silang general House budget para dito sa paglalatag ng impeachment trial na ito.”

“Kasi parang ang gusto nila, sarili nilang caterer pero ang tagabayad ibang tao,” dagdag niya.

Ayon kay Ridon, kailangang suriin kung naaayon sa procurement rules ang ganitong kaayusan, kabilang ang pagpili sa supplier, pagtatakda ng presyo at pananagutan sa paggamit ng pampublikong pondo.

“Pagtingin ko nga diyan, parang the OVP is basically opening up the Senate for a procurement case,” aniya.

Ipinaubaya naman niya sa Senado ang pinal na pasya.

“So I think ’yung Senate dapat magpasya kung ano ang kanilang magiging posisyon dito sa bagay na ito,” ani Ridon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles