Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sen. Legarda, nanawagan sa DA ng malinaw na plano para sa magsasaka, mangingisda sa gitna ng oil crisis

Nanawagan si Loren Legarda sa Department of Agriculture (DA) na maglatag ng malinaw na plano para matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na apektado ng tumataas na presyo ng langis.

Sinabi ni Legarda na kailangang may konkretong hakbang ang DA para matugunan ang epekto ng oil crisis sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Binigyang-diin ng senadora na direktang naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ang produksyon at transportasyon ng pagkain, kaya mahalagang may malinaw na plano ang gobyerno para suportahan ang mga sektor na ito.

Hinimok din niya ang DA na tiyaking may sapat na tulong para sa mga magsasaka at mangingisda, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastos sa kanilang operasyon.

Ayon kay Legarda, kailangang maging handa ang ahensya sa mga epekto ng krisis sa enerhiya, lalo na kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Giit ng senadora, mahalaga ang agarang aksyon para maprotektahan ang kabuhayan ng mga nasa agrikultura at matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng pagkain sa bansa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles