Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

SB19 member Justin, may kinol-out na Pinoy airport employee

Bihirang magsalita at maglabas ng kanyang saloobin si SB19 member Justin De Dios lalo’t tungkol sa hinaing sa mga ‘unruly fans’ ang isyu.

Subalit mukhang hindi na nga nito napigilan ang sarili para klaruhin ang nag-viral at pinag-uusapang encounter nila sa isang Filipino airport employee sa Los Angeles, USA.

Naganap ang insidente habang ang SB19 ay papunta noon sa kanila ngayong  historic at memorable ng Lollapalooza performance. 

Sa kanyang Youtube vlog, ibinahagi ni Justin ang insidente.

Ayon dito, isang may edad ng pinay ang nag-approach sa kanila habang hinihintay nila ang kanilang mga bagahe. Nag-request ito ng pa-picture sa kanila. 

Ang handler road manager nilang si Leah Gonzales ay sandaling pumagitna at marespeto umanong nakiusap sa gustong mag-picture na kung puwede ay maghintay after na lang na makuha ng grupo ang kanilang mga bagahe para hindi na nga mag-cause pa ng pagka-antala o paghihintay sa mga bagahe kapag lumampas na sa kuhanan o carousel.

Kuwento pa ni Justin, “siyempre, as manager, lumapit siya. Parang sabi ni Ate Leah, ‘Ay, okay lang po ba mamaya na lang po pagka-settle?’ So, meaning pag pagka-settle, pag nakuha na lahat ng luggage before we go, pa-picture kami with Nanay.”

Naunawaan naman daw ng may edad ng fan ang request ni Leah at matapos ngang makuha ng ibang SB19 members ang kanilang mga bagahe ay napagbigyan na itong magpa-picture.

Subalit bigla na lang daw may isang filipino airport employee na umeksena sa nagaganap at agad nitong kinompronta si Leah.

“Nung umalis na si Nanay, may lumapit na nagtatrabaho sa airport. Parang narinig niya ata na sabi ni Ate Leah na mamaya na, later na lang po magpa-picture. Kasi nakapagpa-picture naman na si Nanay, pero sinabihan pa rin siyang, ‘suplada ka ah,’  Maayos naman ‘yung pagkakasabi nung manager namin, tapos hindi naman siya ‘yung kausap. Na-overheard lang… hindi naman technically pinipigilan, nakapagpapicture na nga eh,”  ang tila nanggigigil pang lahad ni Justin sa vlog.

ang nakakaloka pa daw ay yung patuloy na pagbibigay pa ng mga negatibong komento nung pinoy employee laban kay Leah na naririnig ng mga taong naghihintay din ng mga bagahe nila.

Tila may pagyayabang pa daw na ibinida ng empleyado ang kanyang mga encounter at karanasan sa ibang celebrities na ‘mas sikat at humble’ daw.

“Ang dami niya nang sinabi bigla. Like sabi niya, ‘Di pa nga sikat, ‘di na nagpapa-picture. ‘Pag nasa harap na ng camera, doon kakaway-kaway. Pero mga suplado naman. Tapos parang sinabi niya pa na Filipino mentality daw. Basta ang dami niyang sinabing mga offensive… disrespectful na bagay, [kahit na] nagtatrabaho ka doon. And wala namang ginawang mali or masama ‘yung tao,” litanya pa ni Justin.

Wala daw ni isa sa SB19 member na sumagot o kumontra sa sinabi ng airport employee.

 Sambit ni Justin, “Si kuya na nagwo-work doon sa airport, bakit siya nag re-react ng ganon?  Ako ang ginagawa ko nung time na ‘yun, pinapakinggan ko siya maigi kung ano ‘yung point niya. Tapos binubuo ko na sana ‘yung mga sasabihin ko kung kakausapin ko siya.”  

Pero ang pinakamatindi nga daw na ginawa ng empleyado ay noong lapitan nito si Justin at tinanong  kung part ba ito ng SB19 at kinol ang attention ng mga fans na naghihintay sa labas.

Ayon pa sa kwento, nag-video call ang empleyado at ipinakita ang mukha ng grupo noong papalabas na ang mga ito sa airport na para bang may nais palabasing kuwento.

Muli, ni isa daw sa kanila ay walang nag react, pati si Leah na hinayaan na lang ang ginagawa ng pinoy employee, kahit wala man lang itong permisong hiningi na sila ay kukunan

Disappointed at naghihinakit daw si Justin dahil isang kapwa pinoy pa daw nito ang gumawa sa kanila. Hindi rin nito napigilang magkuwento ng mga previous tours nito sa napakaraming bansa at wala nga daw silang naranasang ganun.

Sey nito, “well, sa mga past tours naman namin, hindi naman ganun ‘yung na-experience namin. Pero like sa Filipino pa namin mae-experience ‘yung ganon. Tapos parang, it’s very normal sa kanila. Tapos parang kami pa ‘yung mali. Grabe, wow, the welcome committee sa pag-land ng LA… Shoutout to you, kuya!.”

Mabilis namang kinuyog ang pinoy employee sa socmed lalo’t wala naman yatang nakaunawa sa ginawa niya.

Ang hindi yata nalalaman ng naturang empleyado ay ang milyon-milyong ka-A’tin army o mga supporters ng SB19 na handang ipaglaban ang mga KINGS of POP sa mga kagayang insidente.

“That was under the bridge now. Ang importante, Justin stood up and said his piece. Sino ba naman ngayon ang makakapag-deny sa dami ng global achievements ng SB19, the latest feat ay yung kinabog nila ang mga internationally renowned artists sa FAN ARMY ng BILLBOARD. In case sinasabi ni Kuyang airport employee na hindi pa sila kilala at sikat? Baka sumikat na si Kuya sa pag-chase clout?,” sigaw ng mga ka-A’TIN.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles