Nagdulot ng sobrang excitement sa fans ng SB19 ang socmed announcement na special guest sa inaabangang concert nila na “Simula At Wakas” sa SMDC Festival Grounds ang sikat na Japanese boyband na BE:FIRST.
Maraming P-pop fans ang naging instant followers ng J-pop group dahil sa collab song nila na “Toyfriend”.
Patuloy pa rin kasing humahataw sa Japan at iba pang panig ng mundo ang nasabing kanta.
Kaya naman super excited ang fans na mapanood nila for the first time na ipe-perform ito ng dalawang grupo sa stage nang live.
Abangers na ang faneys sa “Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale” on April 18. Ito ang grand finale sa trilogy era ng SB19 kung saan kasama ang “Pagsibol”, “Pagtatag” at “Simula At Wakas”.
“Hopia”(hopeful) rin ang fans na sana raw pati ang Queen of Chinese Pop na si JOLIN ay mag-guest din sa concert ng SB19. Naka-collab din kasi ng grupo si Jolin sa kantang “Emoji.”
Ang bongga ngang makita if ever na magsasama-sama sa iisang concert stage ang mga naturang music superstars sa Asia.


