Patuloy ang nationwide monitoring ng Philippine National Police (PNP) sa gitna ng umiiral na oil supply situation, kung saan 290 gasolinahan na ang naitalang pansamantalang nagsara, 31 kaso na ang naisampa, at 77 indibidwal ang tinukoy na suspek sa iba’t ibang paglabag kaugnay ng produktong petrolyo.
Ayon sa pinakahuling consolidated monitoring ng PNP, mula sa kabuuang 14,529 gas stations sa buong bansa, 290 ang “temporarily closed due to the oil crisis as of April 26, 2026.”
Kasabay nito, iniulat ng mga awtoridad na may 31 kasong naisampa na may kinalaman sa iba’t ibang paglabag tulad ng hoarding, profiteering, at iba pang offenses involving petroleum products.
Sa nasabing bilang, 9 ang “classified under hoarding, 1 under profiteering,” habang 21 ang may kinalaman sa iba pang paglabag gaya ng “illegal storage, theft, estafa, trademark infringement, customs-related violations, and breaches of Presidential Decree No. 1865 and BP 33, as amended.”
May 77 indibidwal din ang “identified as suspects across different regions,” kung saan ilan sa mga kaso ay naisampa na sa korte habang ang iba ay patuloy pang iniimbestigahan o sumasailalim sa case build-up.
Binigyang-diin ng PNP na bahagi ang mga hakbang na ito ng koordinadong aksyon ng pamahalaan sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para matiyak ang maayos na operasyon ng fuel stations at maiwasan ang ilegal na gawain sa sektor ng petrolyo.
Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., tuloy-tuloy ang kanilang pagbabantay at pagpapatupad ng batas habang pinangangalagaan ang publiko.
“Ang ating ginagawa ay hindi lang pagbabantay, kundi siguraduhin na walang umaabuso sa sitwasyon. We are acting to protect both consumers and legitimate business operators,” ani Nartatez. /Bistado


