Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ruby Ruiz’s movie FIRST LIGHT, napili ng Australia  para entry sa 2027 OSCARS

Kung papalarin ang Australia na ma short list at eventually ay maging official nominee sa 2027  Academy Awards, first time ding isang pinoy cast movie and language (Tagalog) ang magiging entry ng nasabing bansa.

Ang FIRST LIGHT na dinirek ng isang half-pinoy, half-Australian na si James J. Robinson ang napili ng Australia na i submit sa OSCARS bilang kanilang entry sa Best Foreign Film Category, ang category na matagal na ding pinapangarap ng Pilipinas na masalihan.

Ang drama film na pinagbibidahan ni character actress Ruby Ruiz ay tumatalakay sa pagkwestyun ng karakter ni Ruiz bilang isang madre sa kanyang layunin at tungkulin sa buhay.

‘elated, excited, praying for the best,’ sey ni First Light lead actress Ruby Ruiz… kuha sa FB

Nang dahil sa pagkamatay ng isang construction worker, si Sister Yolanda ( Ruiz) ay nagkaroon ng mga pagtatanong sa kanyang tungkulin bilang isang madre. 

“The movie’s premise is so simple yet it addresses a lot of facets about human existence, his faith, values and simply just about life and death.  A very heartwarming piece that tackles life in general and how every human being is being affected by a tragedy,” paglalarawan ni Robinson sa movie.

Dito sa Pilipinas ginawa ang pelikula ( Baras, Rizal) kaya karamihan o 90% ng mga lumabas dito ay mga pinoy.

Kapapanalo lang ni Ruiz bilang Best Actress sa Cinemalaya 2026 ( tie with Pokwang), kaya’t overwhelmed na overwhelmed pa rin daw ito sa balita.

Bukod kay Ruiz na siyang central character ng First Light, bida din sa movie ang Diamond Star na si Maricel Soriano, kasama pa sina Rez Cortez, Kare Adea, Soliman Cruz at ang National Artist na si Kidlat Tahimik.

Nagkaroon na ng screening ang movie sa Pilipinas noong June at nanolo na rin ito ng mga parangal para kay direktor Robinson bilang Best Director.

Sa Melbourne International Film Festival ay tinanghal na Best Director si Robinson, habang nakuha ng movie ang mga nomination sa Best Picture, Screenplay at iba pa. 

Sa paglalarawan ng Australia’s selection committee, “First Light” as “a meditative work about an aging woman who questions her faith as her world begins to crumble around her, leaving an indelible mark” and hailed Robinson’s impressing debut as “a shining example of Australian filmmaking.”

Ito ang magiging ika-18 movie ng Australia na isusumite sa OSCARS at kung papalarin nga na mapili ay magiging kauna-unahan nila at may pinoy pride na maituturing bilang pinoy actors ang mga bida using tagalog medium.

Samantala, our very own Film Academy  of the Phils. naman ay abala na din sa pag proseso ng isusumite din ng bansa na maging official entry sa Oscars.

Ang limang pinoy movies na pinagpipian ay ang 58th, All the Things I Leave You (Patawid), Filipiñana, I’mPerfect, Manila’s Finest, Quezon, Silenced Nights, at Sisa.

Gaya ng Australia ay hindi pa rin tayo pinapalad na ma short list sa Oscars.

Ngayong December 15 na i-aanunsyo ng Oscars ang makakasama sa 15 shortlisted entries then by January ay pipiliin na sng 5 official entries na magiging mga nominees sa Best Foreign Film category at sa March 14 naman idaraos ang awarding para sa ika-99 na edisyon ng OSCARS.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles