Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Retired Sandiganbayan Presiding Justice Tang: Paulit-ulit na SALN omissions maaaring senyales ng pagtatago, dishonesty

Ang isang kulang na entry sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ay maaaring simpleng pagkakamali, pero ang paulit-ulit na hindi pagdeklara ng parehong required asset ay maaaring magpakita ng pagtatangkang magtago o dishonesty.

Ito ang ipinaliwanag ni retired Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang nitong Lunes sa Senate impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Nakasaad sa Article II ng impeachment case ang alegasyong incomplete o untruthful ang SALNs ni Duterte mula 2022 hanggang 2024. Kasama rin dito ang magkahiwalay na alegasyon ng disproportionate wealth sa lawful income at failure to divest o patuloy na prohibited business participation mula 2022 hanggang 2025. Itinanggi ni Duterte ang mga alegasyon.

Nang tanungin ni Senator-Judge Raffy Tulfo kung ano ang tawag sa pera o ari-ariang dapat ideklara ngunit hindi isinama sa SALN, sagot ni Cabotaje-Tang: “It’s an omission.”

Nilinaw niyang hindi awtomatikong nangangahulugan ng unexplained wealth ang isang omission.

“Hindi naman nangangahulugan na pag may omission doon sa SALN, kaagad sasabihin na there is unexplained wealth,” ani Cabotaje-Tang.

Dapat aniyang suriin kung honest mistake lamang ang pagkukulang o sadyang pagtatago.

“Dapat tingnan mo kung yung omission na ’yan is an honest omission or it was an honest mistake, vis-à-vis or compared to an intentional concealment. Pero that will already depend on the attending facts. Depende po ’yan,” paliwanag niya.

Mahalaga rin ang paliwanag at supporting documents ng opisyal upang matukoy kung lehitimo ang pinagmulan ng hindi naideklarang property.

Gayunman, hiwalay ang usapin ng lawful source sa obligasyong ideklara nang tama ang required asset. Sa kabilang banda, hindi rin sapat ang omission lamang upang patunayang ilegal ang pinagmulan ng isang ari-arian.

Sa paulit-ulit na pagkukulang, sinabi ni Cabotaje-Tang: “Kung repeated yung omission, that can already demonstrate intentional concealment, kaya puwedeng maging ground—it can constitute dishonesty.”

Nagbigay rin siya ng halimbawa nang tanungin ni Senator-Judge Joel Villanueva kung paano makikilala ang good-faith error sa deliberate concealment.

“Kapag repeated ’yan, like for five consecutive years, hindi na-include yung property na ’yan, this is a badge na there is an attempt at concealment,” ani Cabotaje-Tang.

Gayunman, binanggit din niya ang isang Supreme Court case kung saan naideklara sa mga naunang SALN ang isang asset ngunit nawala sa mga sumunod na declaration.

“The Supreme Court found honest mistake lang yung kanyang nagawa,” sabi niya.

Sa ilalim ng Republic Act No. 6713, kailangang ideklara ng public officials ang kanilang assets, liabilities, net worth, business interests at financial connections. May review-and-compliance process din para mabigyan ang filer ng pagkakataong maitama ang incomplete o improperly filed SALN.

Hindi tinukoy ni Cabotaje-Tang sa naturang exchange ang anumang partikular na omission sa SALNs ni Duterte. Hindi rin niya ikinumpara nang paisa-isa ang mga SALN ng Bise Presidente. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles