Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pulis na sangkot sa pagpatay sa asawa, anak, sinibak ng Napolcom

Sinibak ng National Police Commission (Napolcom) si Police Senior Master Sergeant John L. Mollenido matapos siyang mapanagot sa mga administratibong kasong may kaugnayan sa paghawak sa pagkamatay ng kanyang estranged wife at menor de edad na anak noong January 2026.

Sa desisyong inilabas ng Commission En Banc, napatunayang administratively liable si Mollenido sa Grave Misconduct, Neglect of Duty, at Conduct Unbecoming of a Police Officer.

Batay sa records ng kaso, natagpuan noong January 24, 2026 sa Pulilan, Bulacan ang naaagnas na bangkay ng kanyang estranged wife na si Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido. Makalipas ang ilang araw, natagpuan sa Victoria, Tarlac ang labi ng kanyang eight-year-old son na si John Ysmael.

Ayon sa autopsy findings, namatay ang mga biktima dahil sa gunshot wound at asphyxia.

Sa kabila ng nagpapatuloy na police investigation at evidentiary value ng mga labi, sinabi ng Napolcom na pinadali ni Mollenido ang agarang cremation ng dalawang biktima. Pumirma siya sa authorization for cremation at itinuloy ang proseso kahit hindi pa tapos ang medico-legal procedures.

Ayon sa Napolcom, nagresulta ito sa pagkasira ng potential evidence na mahalaga sa kaso.

Binigyang-diin ng Napolcom na malinaw itong paglabag sa Presidential Decree No. 1829, na nagpaparusa sa obstruction of justice, kabilang ang destruction o concealment of evidence. Binanggit din nito ang paglabag sa Napolcom Memorandum Circular No. 2016-002, na nagtatakda ng grave misconduct at iba pang administrative offenses sa hanay ng police personnel.

Iginiit pa ng Napolcom na sa ilalim ng Department of Health guidelines, mahigpit na ipinagbabawal ang cremation ng labi sa medico-legal cases kung walang proper authorization mula sa competent authorities. Ayon sa komisyon, burial lamang, na dumaan sa legal clearance, ang pinapayagan.

“The actions of the respondent showed a blatant disregard of established legal procedures and the fundamental duty of a police officer to uphold the law,” ayon sa Napolcom sa ruling nito.

Binigyang-diin ni Commissioner Ralph Calinisan ang bigat ng paglabag at tungkulin ng mga pulis na protektahan ang buhay at integridad ng hustisya.

“Kapag ang isang pulis mismo ang sumisira sa ebidensiya at humahadlang sa katotohanan, hindi lamang batas ang nilalabag kundi ang mismong katarungan. Hindi natin papayagan na ang uniporme ay maging pananggalang sa pananagutan. Dito sa NAPOLCOM, malinaw ang aming paninindigan: ang bawat paglabag sa batas at pagtataksil sa tungkulin ay may katapat na agaran at nararapat na pananagutan.” /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles