Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Presyo ng petrolyo posibleng sumirit nang hanggang P6.50 kada litro next week

Panibagong mabigat na dagdag-presyo sa petrolyo ang nakaamba sa susunod na linggo, kung saan posibleng sumirit nang hanggang P6.50 kada litro ang diesel dahil sa lumalalang pangamba sa suplay ng langis.

Batay sa galaw ng presyo hanggang Huwebes, tinatayang tataas nang P6 hanggang P6.50 kada litro ang diesel, habang posibleng madagdagan nang P5.50 hanggang P6 kada litro ang gasolina, ayon kay Jetti Petroleum president Leo Bellas.

“World oil prices have rebounded significantly due to concerns of further disruption to oil supply as the Strait of Hormuz remains largely closed to vessel traffic, and growing security risks in the Bab el-Mandeb Strait expanded the conflict and raised the threat to global energy supplies and trade beyond the Persian Gulf,” ani Bellas sa mensahe sa mga mamamahayag nitong Biyernes.

Nakabatay ang pagtataya sa unang apat na araw ng kalakalan sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at galaw ng foreign exchange. Ginagamit ang MOPS bilang batayan sa pagpepresyo ng refined petroleum products sa Southeast Asia.

Dumarating ang panibagong banta ng taas-presyo matapos lumobo ngayong linggo nang P3.65 kada litro ang gasolina, P10.68 ang diesel at P11.77 ang kerosene.

Ayon kay Bellas, pangunahing pinagmumulan ng diesel ang Gulf at nagsisimula pa lamang makabawi ang daloy ng mga tanker bago muling sumiklab ang labanan.

“The Gulf is a major source of diesel and tanker flows were only beginning to recover before hostilities flared again, (the) renewed military strikes and a reciprocal blockade of the Strait of Hormuz by the US and Iran have raised fresh supply concerns,” paliwanag niya.

Dagdag na nagpapasikip sa suplay ng middle distillates gaya ng diesel at kerosene ang pagkaantala sa operasyon ng mga refinery at iba pang limitasyon sa suplay mula sa Middle East at Russia.

“Refinery disruptions and further constraints on Middle Eastern and Russian supply are keeping middle distillate supplies tight and prices elevated,” ani Bellas.

Hindi rin nakaligtas ang gasolina sa pressure dahil sa malakas na pandaigdigang demand, mababang imbentaryo at panibagong tensiyon sa Middle East.

“Tight global gasoline balances amid strong demand and low inventories, compounded by the flareup in hostilities in the Middle East, have strengthened prices. Despite easing in Chinese export restrictions and rise in prompt supply from China, renewed risk of supply disruptions and lingering concerns about the delayed recovery of Middle Eastern gasoline exports have helped buoy gasoline prices further,” dagdag niya.

Wala pang ibinigay na pagtataya para sa magiging galaw ng presyo ng kerosene sa susunod na linggo. Ang mga inaasahang dagdag-presyo sa diesel at gasolina ay maaari pang magbago batay sa huling araw ng kalakalan at galaw ng piso kontra dolyar. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles