Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Presentation ng Impeachment Article 2 vs. VP Sara, maaaring matapos next week; trial posibleng umabot hanggang December 16

Posible umanong matapos na sa susunod na linggo ang presentasyon ng House prosecution panel para sa Article 2 ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte—habang maaaring umabot naman hanggang December 16 ang paglilitis kung gagamitin ng depensa ang buong panahong inilaan dito.

Ayon kay impeachment court spokesperson Atty. Reginald Tongol, nananatiling mas maaga sa itinakdang trial schedule ang korte sa kabila ng dalawang kanseladong hearing at isang pinaikling pagdinig ngayong linggo.

Nasa 20 trial days na mas maaga umano ang impeachment court batay sa 62 araw na hiningi ng prosekusyon sa pre-trial order upang maiharap ang ebidensya para sa apat na articles of impeachment.

Para sa Article 2, humingi ang prosecution panel ng 12 araw upang maipresenta ang 15 testigo. Walong araw na ang nagamit nito, kaya apat na araw na lamang ang natitira sa orihinal na inilaan na panahon.

Kabilang sa mga maaari pang iharap na testigo ang mga kinatawan ng mga bangko, insurance company, Bureau of Internal Revenue at Anti-Money Laundering Council.

Kung matatapos ng prosekusyon ang natitirang testimonya sa loob ng apat na araw, maaari nitong tapusin ang presentasyon para sa Article 2 pagsapit ng Huwebes o Biyernes sa susunod na linggo.

Target ng impeachment court na magkaroon ng hatol bago matapos ang taon. Gayunman, nakasalalay pa rin ang takbo ng iskedyul sa aktuwal na tagal ng presentasyon ng defense panel.

Kung gagamitin ng depensa ang buong 30 araw na nakalaan para sa kanilang ebidensya at mga testigo, maaaring umabot hanggang December 16 ang paglilitis bago simulan ang mga susunod na hakbang patungo sa desisyon ng impeachment court. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles