Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pilandok isa nang tropical storm; walang wind signal na itinaas

Lumakas at isa nang tropical storm ang Pilandok, international name Krovanh, pero wala pang Tropical Cyclone Wind Signal na nakataas sa anumang bahagi ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa 11 a.m. bulletin nitong Lunes, taglay ni Pilandok ang maximum sustained winds na 65 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong hanggang 80 kph.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,060 kilometers silangan ng Extreme Northern Luzon at halos hindi gumagalaw.

Ayon sa Pagasa, maliit ang posibilidad na mag-landfall si Pilandok at inaasahang mananatili itong malayo sa kalupaan.

Posibleng lumabas ang tropical storm sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules o Huwebes.

Kahit malayo ang bagyo, patuloy namang magdadala ang Southwest Monsoon o habagat ng strong to gale-force gusts sa malaking bahagi ng bansa.

Apektado ng Bagyong Pilandok ang kalakhan ng Luzon at Visayas, Zamboanga del Norte, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Misamis Oriental, Camiguin, Dinagat Islands, Davao Occidental, at Davao Oriental.

Nananatili rin ang Gale Warning sa northern at western seaboards ng Northern Luzon, ayon sa Pagasa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles