Muntik nang masayang ng Phoenix Super LPG ang 15 puntos nitong kalamangan ngunit na-ungusan pa rin ang walang import na Meralco, 98-97, sa PBA Season 50 Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City nitong Miyerkules.
Nagpasok si Ken Tuffin ng dalawang free throw, may 13 segundo na lang ang natitira, para sa final score at itulak ang Phoenix sa 2-0 kartada bilang lider ng Group B.
Hindi nakalaro ang import ng Meralco na si Jordon Varnado dahil sa hamstring injury.
“This is a game where somehow we got lucky with Meralco not having an import, and we didn’t want to let it slip away,” ani Phoenix coach Charles Tiu, na nakuha ang unang panalo laban sa dating koponan.
“I have to give credit to them. They still put up a tough fight. We played a good team which is always a contender, and it’s nice to get the win.”
Itinanghal na Best Player of the Game si Tuffin na nagtapos na may 17 puntos at pitong rebound.
Muntik maagaw ng Bolts ang panalo ngunit sablay ang layup ni CJ Cansino na nadepensahan ni Robert Johnson III.
Nanalo ang Phoenix sa unang laro noong Sabado kontra Magnolia, 98-86.
Pinangunahan ni Johnson ang Fuel Masters sa na-italang 26 puntos, anim na rebound, dalawang block at isang steal.
Nagdagdag si Ricci Rivero ng 20 puntos habang may 13 puntos naman si Jason Perkins.
Pinangunahan ni Cansino ang Bolts nang umiskor ng 18 puntos. Nagtala naman si Brandon Bates ng 14 puntos at 15 rebounds.
Sa unang laro, nakalusot din ang Converge sa dikit na 105-103 panalo laban sa Terrafirma upang umangat sa 2-0 kartada sa Group A, kasunod ng lider na NLEX (3-0).
Nagtala si Justin Arana ng 31 puntos at 10 rebounds, ngunit ang pinakamahalagang naging laro ay ang block ni Justine Baltazar sa posibleng panabla ni Aljon Mariano.
Matapos makabangon ang Dyip mula sa 16 puntos, nanatiling kalmado ang FiberXers sa huling 12 segundo ng laro at hindi binigyan ng malinaw na tira ang Terrafirma.
Napilitan si Maverick Ahanmisi na tumira ng four-point shot na sumablay bago ang huling buzzer.
Madali ang naging unang laro ng Converge noong Linggo matapos tambakan ang guest team na Macau, 105-74.
Nag-ambag si Juan Gomez de Liano ng 19 puntos, habang nagtala si Baltazar ng 16 puntos at 14 rebounds.
Sina Archie Concepcion at MJ Garcia naman ay pinagsamang umiskor ng 25 puntos mula sa bench upang mapunan ang hindi magandang laro ng import na si Jalen Hudson, na dalawang puntos lamang ang naitala matapos tumira ng 1-of-14 mula sa field.
Bumagsak ang Dyip sa 1-2 kartada sa kabila ng 40 puntos, 11 rebounds at limang assists ng import na si Justin Strings.
Nagdagdag si Juami Tiongson ng 17 puntos at si CJ Catapusan naman ay may 11 puntos.
The scores:
First Game
CONVERGE 105 – Arana 31, Gomez de Liano 19, Baltazar 16, Concepcion 13, Garcia 12, Williams 9, Abueva 3, Hudson 2, Stockton 0, Tungcab 0, Policarpio 0, Muyang 0.
TERRAFIRMA 103 – Strings 40, Tiongson 17, Catapusan 11, Chiu 9, Paraiso 7, Ahanmisi 6, Mariano 6, Bravo 5, Hanapi 2, Umali 0, Miller 0, Eriobu 0, Zaldivar 0.
Quarters: 35-36; 59-51; 82-71; 105-103
Second Game
PHOENIX 98 – Johnson 26, Rivero 20, Tuffin 17, Perkins 13, Ballungay 6, Chua 6, Gozum 4, Tio 3, Santos 3, Delos Santos 0, Reavis 0.
MERALCO 97 – Cansino 18, Maliksi 16, Bates 14, Hodge 13, Almazan 10, Brickman 6, Newsome 6, Banchero 4, Black 4, Quinto 2, Magbuhos 2, Mocon 2, Rios 0.
Quarters: 31-22; 50-56; 73-75; 98-97


