Umabot sa 5,486 ang naitalang leptospirosis cases sa buong bansa mula January 4 hanggang August 26, 2026, ayon sa Department of Health (DOH).
Mas mababa ito ng 23 percent kumpara sa 7,163 cases na naitala sa kaparehong period noong 2025.
Ayon kay DOH Undersecretary Gloria Balboa, National Capital Region (NCR), Cagayan Valley, at Central Luzon ang may pinakamataas na cumulative case counts.
“Dito sa NCR po, binabantayan natin yung mga areas na nakikita natin may mas mataas na kaso. At sa itong nakita natin itong Aug. 27 as of yesterday po, 521 na ang pasyente na naitala dito sa Metro Manila (Here in NCR, we are monitoring the areas where we see higher cases. And as of yesterday, Aug. 27, we recorded 521 patients here in Metro Manila),” sabi ni Balboa.
Sa 521 pasyente sa NCR, 158 ang na-admit sa San Lazaro Hospital.
Inaasahan ng DOH na maaaring dumami pa ang hospitalizations sa susunod na dalawang linggo dahil sa incubation period ng leptospira bacteria.
Bilang paghahanda, nag-activate ang DOH ng dedicated leptospirosis fast lanes sa 33 DOH-retained hospitals sa mga apektadong rehiyon.
Nagtatag din ng inter-hospital referral networks para maiwasan ang overcrowding sa tertiary specialty centers.
Sa ilalim nito, magko-coordinate ang specialized institutions gaya ng National Kidney and Transplant Institute at Philippine General Hospital sa step-down care ng recovering patients upang mabakante ang high-level ICU equipment at dialysis units para sa severe cases.
Pinayuhan naman ni DOH Assistant Secretary Lester Tan ang mga lumusong sa baha na magpakonsulta sa loob ng 24 hanggang 48 oras, may sugat o sintomas man o wala.
“Ang maagang diagnosis at treatment sa loob po ng dalawang araw mula na magsimula ang mga sintomas ay makakatulong po upang maiwasan ang mga komplikasyon ng sakit at ang pagkaka-ospital (Early diagnosis and treatment within two days from the onset of symptoms will help prevent complications of the disease and hospitalization),” sabi ni Tan.
Babala ng DOH, maaaring humantong ang untreated leptospirosis sa kidney failure, liver damage, meningitis, o multi-organ failure.
Tiniyak din ng ahensya na may sapat na supply ng post-exposure prophylactic antibiotics gaya ng doxycycline sa government health centers, LGU facilities, at DOH hospitals. Dapat itong inumin sa reseta ng doktor. /Bistado


