Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Palasyo: MVUC hike proposal pinag-aaralan pa

Pinag-aaralan pa ng Malacañang ang panukala ng Department of Finance (DOF) na itaas ang motor vehicle user charge (MVUC), habang wala pang pinal na posisyon dito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bahagi ang proposed MVUC hike ng hakbang ng DOF para palakasin ang excise tax system at patatagin ang government revenues.

“Sa ngayon po, ito pa lamang ay proposal. So nire-review ito. Wala pa pong final position ang ating Pangulo,” sabi ni Palace Press Officer Claire Castro nitong Huwebes.

Ayon kay Castro, kailangang pag-aralang mabuti ang epekto ng panukala sa motorists at kung makatutulong ito sa revenue collection ng gobyerno.

“Of course, lahat po ng tax measures, definitely, mabigat po ito sa bulsa. At dapat pag-aralang mabuti kung makabubuti ba ito para ma-increase ang revenue ng gobyerno,” sabi niya.

“But still, pag-aaralan po ito kung ano ang mas mainam both sa gobyerno at sa mga motorista,” dagdag ni Castro.

Nang tanungin kung maaaring salungat ang proposal sa mga hakbang ng administrasyon para suportahan ang middle class at micro, small and medium enterprises, muling sinabi ni Castro na kailangang timbangin ang magiging epekto nito.

Ang MVUC ay mandatory fee na kinokolekta ng Land Transportation Office para pondohan ang road maintenance at air pollution control programs.

Sa kasalukuyan, nag-iiba ang MVUC depende sa uri, timbang, at edad ng sasakyan, mula P120 hanggang mahigit P4,000. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles