Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P5.5M protected wildlife nasagip sa Sarangani; foreign national arestado

SARANGANI – Nasagip ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit P5.5 million halaga ng protected wildlife species sa isang operasyon sa Sarangani Province, kung saan arestado ang isang foreign national.

Isinagawa ang operasyon noong June 4 ng Criminal Investigation and Detection Group, katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Sarangani Police Provincial Office, local police units, at Department of Environment and Natural Resources-Municipal Environment and Natural Resources Office ng Sarangani.

Ayon sa PNP, narekober ang ilang protected wildlife species na umano’y hawak at ibinebenta nang walang mga required permit sa ilalim ng Republic Act No. 9147, o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Sakop ng batas ang collection, possession, transport, at trade ng wildlife at wildlife by-products sa bansa.

Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Son,” isang Indonesian national.

Nahaharap siya sa kaukulang kaso dahil sa umano’y paglabag sa RA 9147.

Pinuri ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga operating unit at partner agencies sa kanilang koordinasyon.

“Ang tagumpay na ito ay bunga ng mahusay na koordinasyon ng ating mga kapulisan at mga katuwang na ahensya ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, mas napapalakas natin ang proteksyon sa ating likas na yaman at wildlife resources,” ani Nartatez.

Ayon sa PNP, magpapatuloy ang operasyon para protektahan ang biodiversity at natural resources ng bansa laban sa illegal possession, transport, at trade ng protected species. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles