Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P190M laan para sa fish ports sa Davao del Sur

MALALAG, Davao del Sur – HALOS P190 milyon ang inilaan ng pamahalaan para sa dalawang modernong municipal fish port na target bawasan ang post-harvest losses, palakasin ang seguridad sa pagkain at pasiglahin ang mga baybaying komunidad.

Ininspeksyon nina Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., Agriculture Undersecretary Drusila Bayate at Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) Acting General Manager Atty. Glen A. Pangapalan ang mga proyekto sa Malalag at Sta. Cruz nitong Lunes, July 13.

Layunin ng PFDA na gawing modernong fisheries hubs ang mga municipal fish port para mapahusay ang paghawak, pag-iimbak, pagbebenta at distribusyon ng isda.

“Ang mga modernong fish ports ay puhunan sa seguridad sa pagkain. Sa pamamagitan nang pagbawas sa pagkalugi sa ani at mapahusay ang pagkilos ng mga isda mula sa mga baybaying komunidad hanggang sa mga consumer, mapapalakas natin ang supply ng pagkain sa bansa habang tinutulungan ang mga mangingisda na madagdagan ang kita mula sa kanilang bawat huli,” ani Tiu Laurel.

Nasa Barangay Baybay ang Malalag Municipal Fish Port. Nakumpleto ang unang bahagi nito sa pagtatapos ng 2024, na nagtatag ng modernong fish landing at trading facility.

Sinimulan na ang ikalawang yugto at target itong matapos sa unang quarter ng 2027. Saklaw ng expansion ang reclamation at site development, utility systems, trading hall, warehouse, administration building at iba pang pasilidad para sa paghawak, pag-iimbak at distribusyon ng isda.

Nakatakda namang matapos sa mga unang buwan ng 2027 ang Sta. Cruz Municipal Fish Port sa Barangay Bato. Magkakaroon ito ng market hall, ice stall, food hub, administration building, access roads at iba pang pangunahing istruktura.

“Bawat fish port na itinayo namin ay pamumuhunan para sa kinabukasan ng pangisdaan ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng modernong imprastruktura at episyenteng fishery post-harvest facilities, nagtatatag kami ng kapaligiran kung saan ang mga mangingisda, negosyante , processors at iba pang stakeholders ay maaring magsama-sama. Ang ating layunin ay mapalakas ang buong value chain ng pangisdaan, mabawasan ang pagkalugi, mapahusay ang distribusyon ng pagkain, at makapag-ambag sa inklusibong paglago ng ekonomiya sa ating mga baybaying komunidad,” ani Pangapalan.

Inaasahang lilikha rin ng trabaho ang konstruksyon at hihikayat ng pamumuhunan sa cold storage, fish processing, logistics at kaugnay na industriya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles