ZAMBOANGA CITY – Arestado ang apat na indibidwal habang nasabat ng pulisya ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13.9 million at isang baril sa magkahiwalay na operasyon sa Zamboanga Sibugay nitong Martes.
Sa pahayag nitong Miyerkules, sinabi ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office (ZSPPO) na tatlo sa apat na suspek ang naaresto dakong 9:03 p.m. sa Barangay Lower Tungawan, bayan ng Tungawan.
Kinilala ng pulisya ang tatlo sa mga alyas na “Romer,” 31; “Joseph,” 41; at “Farhana,” 46. Lahat sila ay residente ng Zamboanga City.
“Seized from them were two kilos of suspected shabu packed in 11 heat-sealed transparent plastic sachets worth PHP13.6 million, the buy-bust money, and a mobile phone, among others,” ayon sa ZSPPO.
Nasa kustodiya na ng Tungawan Municipal Police ang tatlong suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso.
Mas maaga nitong Martes, may isa pang lalaking naaresto habang nagsisilbi ng search warrants ang pulisya dakong 1:10 p.m. sa Barangay La Paz, bayan ng Alicia.
Ang search warrants ay kaugnay ng umano’y paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
“Aside from the gun, seized from the suspect were 50 grams of suspected shabu worth PHP340,000, a .45-caliber pistol with ammunition, a sling bag, and a coin purse,” ayon sa ZSPPO.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Alicia Municipal Police Station habang hinihintay ang pagsasampa ng kaso.
Ayon kay Col. Barnard Danie Dasugo, ZSPPO police director, ipagpapatuloy ng pulisya ang mas pinaigting na anti-drug operations sa probinsya.
“I urge the public to remain vigilant and continue cooperating in their campaign against crime by promptly reporting any suspicious activity in their community,” dagdag niya. /Bistado


