Naglunsad ang Cebu Pacific ng seat sale na may one-way base fare na P10 para sa travel period mula February 1 hanggang June 30, 2027.
Tatagal ang booking period hanggang October 11. Base fare lamang ang P10 at hindi pa kasama ang taxes, fees at iba pang charges.
Kabilang sa mga puwedeng puntahan ang Japan, Vietnam at Palawan.
May flights mula Manila patungong Sapporo, Narita, Fukuoka at Nagoya. Magbubukas din sa December 1, 2026 ang direct Cebu-Nagoya service.
Para sa Vietnam, may flights mula Manila patungong Ho Chi Minh City, Hanoi at Da Nang, habang may Cebu-Ho Chi Minh City route din.
Sa Palawan, kabilang sa destinations ang Puerto Princesa, El Nido at Coron.
May hubs ang Cebu Pacific sa Manila, Clark, Cebu, Davao at Iloilo, at nagseserbisyo sa 35 domestic at 26 international destinations sa Asia, Australia at Middle East. /Bistado


