Binigyan ng NLEX ng isang hindi malilimutang gabi ang kanilang baguhang coach na si Jimmy Alapag matapos tambakan ang Titan Ultra, 135-100, nitong Martes sa Ynares Center Antipolo.
Nanatiling walang talo sa Group A ng PBA Governors’ Cup ang NLEX, dala ang 3-0 kartada, samantalang si Alapag ang unang rookie coach na nagsimula ng isang conference sa 3-0 mula nang magawa ito ni Chris Gavina ng Rain Or Shine sa 2021 Philippine Cup.
Nagpasabog si Schonny Winston ng career-high na 30 puntos habang tuluyang dinaig ng Road Warriors ang Giant Risers sa fourth quarter, 38-18, upang tiyakin ang panalo.
Na-iwasan din ng NLEX na muntik mag-collapse, katulad ng nangyari sa kanilang 101-100 na pagtakas laban sa Terrafirma Dyip noong Linggo.
Nagambag si Robert Bolick ng 29 puntos habang nagdagdag ang import na si DeQuan Jones ng 22.
“I think we’re getting a lot of contributions from different guys, obviously,” ani Alapag.
“Berto (Bolick) and Schonny are a big part of what we do. I think they’re two of the top guards in the league. But I thought their aggressiveness early in the game set the tone.”
Pinuri rin ni Alapag si Jones.
“He’s been solid these first three games – as we need him to be. But, again, really happy with the effort from the entire group,” ani rookie coach.
Ito ang ikatlong sunod na kabiguan ng Titan sa tatlong laro, sa kabila ng impresibong debut ng import na si Tirrell Brown na nagtala ng 27 puntos at 10 rebounds.
Nag-ambag naman si Roi Sumang ng 18 puntos, Joshua Munzon ng 17 at JB Sajonia ng 11, ngunit nabigong ipagpatuloy ng Giant Risers ang kanilang magandang laro sa third quarter at nalasap ang ikalawang sunod na tambak na pagkatalo matapos ding masilat ng Converge noong Linggo, 74-105.
Mula sa pagkakahabol ng hanggang 36-59 sa unang bahagi ng laro, nakalapit ang Titan sa 63-72 sa fourth quarter sa pangunguna nina Mark Omega, Monzon at Sajonia.
Ngunit muling umarangkada sina Bolick at Winston na nagpalobo sa kanilang kalamangan, 97-82, bago tuluyang tinuldukan ang laban sa pamamagitan ng 15 puntos ni Winston sa fourth quarter.
“I told the guys that as we go along this conference, our growth is gonna be a big key… but I thought tonight we did a much better job of being consistent with our gameplan, both offensively and defensively,” ani Alapag.
The scores:
First Game
NLEX 135 – Winston 30, Bolick 29, Jones 22, Alas 14, Herndon 7, Gonzales 6, Semerad 6, Valdez 4, Bahio 4, Capulong 4, Gamboa 4, Racal 3, Nieto 2, Ramirez 0, Rodger 0, Torres 0.
TITAN ULTRA 100 – Brown 27, Sumang 18, Munzon 17, Omega 7, Dionisio 5, Javillonar 4, Yu 3, Pessumal 2, Amores 2, Ular 2, Ambohot 2, Caralipio 0, Inigo 0, Cuntapay 0.
Quarters: 30-24; 61-43; 97-82; 135-100


