Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ngayong Mayo Uno, libu-libong Batangueño nanawagan: Sahod itaas, VAT ibaba, Recto tanggalin

Libu-libong Batangueño ang nagtungo sa Maynila ngayong May 1 kasama si Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste para manawagan ng legislated wage hike, pagbaba ng Value-Added Tax (VAT), at pagtanggal kay Executive Secretary Ralph Recto sa Gabinete.

Nakiisa sila sa iba’t ibang grupo ng manggagawa na nagmartsa patungong Mendiola mula Welcome Rotonda. Ayon kay Leviste, ang pagtanggal kay Recto ay mag-aalis ng malaking hadlang sa pagpasa ng mga panukalang makabubuti sa mga manggagawa.

Tinukoy ni Leviste ang panukalang legislated wage hike na naaprubahan na ng House at Senate pero hindi nakakuha ng final approval sa pagtatapos ng 19th Congress. Ayon sa kanya, nangyari ito matapos umanong hikayatin ni Recto ang Senado na huwag ituloy ang pagpasa nito.

Binanggit din ni Leviste ang National Minimum Wage Bill na inihain ni Congressman Eli San Fernando. Higit kalahati na ng mga miyembro ng Congress ang co-authors nito pero hindi pa rin ito naisasalang sa plenaryo, umano dahil sa pagtutol ng gabinete na pinangungunahan ni Recto.

Isinunod ni Leviste ang kanyang panukalang ibaba ang VAT mula 12% tungong 10%. Sinabi niyang wala namang congressman na nagsasabing tutol dito, pero hindi pa rin ito naisasalang sa botohan. Ayon kay Leviste, sinabi umano sa kanya ni Ways and Means Committee Chair Miro Quimbo na hindi maaaprubahan ang lower VAT dahil sa pagtutol ni Recto.

Pagkatapos ng martsa, nagtipon ang mga Batangueño sa Liwasang Bonifacio. Doon nila minarkahan ang ika-24 na araw ng kanilang protesta para hilingin sa gobyerno na ibaba ang VAT at suspindihin ang excise tax sa langis.

Binigyang-diin ni Leviste na konektado ang panawagang tanggalin si Recto sa Gabinete sa kampanya para ibaba ang VAT.

“Suportado ng mga kongresista ang pagbaba ng VAT at pagtaas ng sahod, pero sinasabing hindi ito naisasalang sa botohan dahil sa pagtutol ni ES Ralph Recto,” ani Leviste. “Maaaring inakala ni Pangulong Marcos na may suporta si Recto sa Batangas. Ngunit maging ang mga Batangueño ay nananawagan na rin ng kanyang pagtanggal sa gabinete dahil sa kanyang mga polisiyang nagpapahirap sa mga tao.”

Marami sa mga dumalo ay mula sa 84 barangay na hindi umano nakatanggap ng ayudang ipinangako sa ilalim ng programang “Bawat Barangay Makikinabang” noong April 24. Ayon sa mga barangay captain, hindi sila naisama sa distribusyon dahil sa Office of the Provincial Governor.

Si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ay asawa ni ES Recto. Ayon sa mga ulat, si Recto ang nagsusulong ng pagpondo sa mga programang ayuda sa halip na pagbaba ng VAT. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles