Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Next generation Star Worx Artists, sasabak sa ASAP XP this Oct. 18!

Bagong talento at exciting performances ang hatid ng TV5 artists sa ASAP XP, na ngayon ay co-produced na ng ABS-CBN at TV5!

Handa nang magpakitang-gilas ang STAR WORX artists ng TV5 sa kanilang grand debut sa ASAP XP this Sunday, October 18, at 7:00 PM!

Kabilang sa exciting lineup ang talented young singers na sina Carmela Lorzano, Gianna Huelgas, Selina Griffin, at Kaitlyn King, na magpapamalas ng kanilang husay sa pagkanta sa iconic Sunday musical variety show.

Makakasama rin nila ang promising young performers na sina Dylan Menor, Chan Martin, Nico Matugas, Spencer Capistrano, Patrick Ballesteros, Keisha Serna, at Celyn David, na magdadala ng fresh energy at youthful appeal sa ASAP XP stage.

Mas espesyal ang kanilang debut dahil kasabay nito ang bagong yugto ng ASAP XP, na ngayon ay co-produced na ng ABS-CBN at TV5. Sa partnership na ito, mas maraming oportunidad ang nagbubukas para sa mga bagong artistang Pilipino na makasabay sa mga established names sa entertainment industry.

Sa pamamagitan ng STAR WORX, patuloy ang TV5 sa pagdiskubre at pag-develop ng homegrown talents, habang binibigyan sila ng mas malaking platform para maipakita ang kanilang galing at maabot ang mas maraming viewers.

Para sa mga STAR WORX artists, simula pa lang ito ng mas exciting na journey sa showbiz!

Abangan ang kanilang grand debut sa ASAP XP this Sunday, October 18, at 7:00 PM!

TARA SA TV5!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles