Apat na opisyal na entries sa darating na 2026 MMFF ang ini-anunsyo ng MMDA MMFF Committee na siyang nagpapatakbo ng taunang pestibal ng mga local movies.
Ginanap ang 52nd MMFF Kickoff and Announcement of the First Batch of Official Film Entries na ginanap sa GH Mall nitong Martes ng hapon, Hulyo 7, 2026.
Nauna na rito ang much-talked about “collab” nina bosing Vic Sotto at meem Vice Ganda sa pagsasamahan nilang entry na THE GREATEST SHOWDOWN.
Parehong dumalo sina Vice at Vic sa naturang event kaya naman in high spirits ang MMDA officials sa sinasabi nilang magiging positibo at bonggang outcome ng festival come December.
Ang The Greatest Showdown ay ididirek ni Jun Robles Lana. Magkatuwang itong ipoprodyus ng ABS-CBN Productions, Star Cinema, IdeaFirst Company, MZET Productions, at APT Entertainment.
Balitang makakasama dito nina Vic at Vice ang ilan sa mga co-hosts nila sa mga noontime shows nilang It’s Showtime at Eat Bulaga, at pinag-uusapan na ngang ito rin ang magiging launching project ng tandem nina Bimby Aquino at Ryzza Mae Dizon na tinatawag ng mga fans na “BiMae.”
Pasok din bilang official entry ang fantasy-drama na Amir.
Entry ito ng GMA Pictures, GMA Public Affairs, at Brightburn Entertainment
Tampok dito sina Dennis Trillo, Will Ashley, Glaiza de Castro, at ang child star na si Argus Aspiras.
Ito rin ang magsisilbing reunion MMFF project nina Dennis at direktor Zig Dulay pati na ni National Artist Ricky Lee bilang scriptwriter (kasama si Anj Atienza) na halos nakopo ang mga Best Actor at Best Director award sa MMFF project nila before na Green Bones.
Napili rin bilang official entry ang drama na 2nd Miracle in Cell No. 7, ang prequel ng MMFF 2019 entry na Miracle in Cell No. 7.
Tampok dito muli si Aga Muhlach, na naparangalan ding Best Actor sa unang sequel nito at naging box-office champion din noong 2019.
Ididirek ito Nuel Crisostomo Naval, at mula sa panulat ni Mel Mendoza-Del Rosario.
Horror naman ang tema ng Haunted Carnival, na entry ng Regal Entertainment, ang certified movie outfit na tagahatid ng mga horror flicks tuwing MMFF.
Tampok dito sina John Arcilla, Julia Barretto, James Reid, Fyang Smith, RK Bagatsing, Ronnie Alonte, at Maricel Soriano.
Mula ito sa direksyon ni Joey de Guzman; at isinulat nila Alan Tijamo at John Paul E. Abellera.
May apat pang entries na makakasali pero pipiliin at papasok na ito mula sa isusumiteng finished film. May deadliune itong October.
Ang mga host cities ng MMFF 2026 ay Mandaluyong, San Juan, at Bacolod City.
Ayon sa pamunuan ng MMDA, kakaiba at isa namang very exciting event ito para sa mahihilig sa de kalidad at magagandang local movies.


