Mismong si PETA President at PETA Plus Program director Melvin Lee ang nagpatotoo na dumaan sa tamang proseso si Atasha Muhlach para makuha nito ang coveted role na Annie Batungbakal.
Nag-viral kasi ang post ng isang co-auditionee na tila nang-iintriga na hindi umano nito nakita ang batang aktres sa two-day audition na ginawa ng PETA para sa sinasabing most anticipated musical para sa taong ito, ang Bongga Ka Day, The Annie Batungbakal Musical.

Ayon sa klaripikasyon at pagtutuwid ni Lee, “Atasha delivered a strong audition, showcasing solid singing, dancing, and stage presence. She displayed natural chemistry with the male actors and blended seamlessly with the ensemble of triple-threat theater performers.”
“More importantly, she brought the charisma, warmth, and panache needed for Annie Batungbakal, with the charm and look to convincingly lead the production. Overall, she proved to be a strong choice for the role,” dagdag pang paliwanag ni Lee.
Iniintriga ang pagkakakuha ng lead role ni Atasha dahil umano sa kuneksyon lang nito, pagiging nepo baby at alaga ng Viva Entertainment na siyang producer ng musical.
Pero dahil mismong si Lee na involved sa audition at production ang nagpapatotoo sa mga maling impormasyon at balitang lumabas, “vindicated” si Atasha na tunay namang kinakarir ang pagkanta at pagsayaw at pag-aaral ng mga gagawin sa naturang musical.
Ayon naman sa ibang balita na lumabas, tila sinegundahan pa ng magiging direktor ng musical play na si Chris Millado ang ginawang pag-audition at pagpasa dito ni Atasha.
Ayon sa kuwento ng kilalang direktor sa kanyang socmed post noong June 21, “She walked in like nobody. Gym pants. Plain tee. Bare face. Ponytail. No entourage. No arte. Then the music hit. She caught the choreography on the first eight-count and slid into the song’s high notes like they were made for her. She matched the leading boys’ swoony charm and swagger. First impressions? Sometimes, they bring their own invisible spotlight with them.”
Ang pinag-uusapang musical play na mapapanood ngayong September ay hango sa klasikong 1979 movie na pinagbidahan ni National Artist Nora Aunor at nagsilbi ding behikulo para sa mga klasikong kanta at sayaw noong 70’s na nagpapatatag ng Manila Sound hanggang sa mapalago ang OPM o Original Pilipino Music gaya ng ‘Annie Batungbakal, ‘Bongga Ka Day, among others.


