Maraming netizen lalo na yung mga supporter at fans ni Sarah Geronimo ang tuwang-tuwa at excited sa ginawang pag-post ni Matteo Guidicelli ng ‘ultrasound scan’ sa kanyang socmed.
Halos nagkakaisa ang lahat na may kinalaman ito sa kasalukuyang estado ng pop royalty na matagal na ngang inaasahan at ipinagdarasal ng marami na dapat ng mabuntis.
Sa naturang post ng asawa nito, makikita si Matteo na nakahiga sa clinic ng isang tila doctor’s clinic at katabi nito ang isang ultrasound machine na nagre-record ng ginagawang pag-test dito.

May pangalan pa ng aktor ang naturang ultrasound machine kaya’t higit na iniisip ng mga nakapanood na baka may kinalaman na nga ito sa estado ng asawang si Sarah.
“Hindi naman siguro paglalaruan ang feelings ng mga fans nila by doing such a prank noh?,” sigaw ng mga Popsters (tawag sa army ng mga maka-Sarah).
“Posibleng may ibig sabihin ang ginawang yun ni Matteo. Prank man o hindi, we see it as something na may koneksyon sa buhay mag-asawa nila,” hirit pa ng ilan.
Although sinasabing may kinalaman nga daw yun sa Youtube Channel show ng aktor-host, hindi pa rin daw magandang ‘prank’ na paglaruan ang ganung bagay lalo’t ang pagkakaroon ng anak ang matagal na ding hinahangad ng marami para sa kanila.
Ikinasal sina Matteo at Sarah noong February 20, 2020 sa isang private ceremony sa Taguig.
Sa anim na taon nilang pagsasama at sa dami na din ng mga ‘family issues’ na kanilang pinagdaanan, marami ang nakasubaybay sa maganda nitong pagtatapos.
Recently nga ay maraming mga positibong nagaganap sa kanila, partikular na ang pagbabati nina Sarah at Mommy Divine (nanay ni Sarah) na tinitingnang magandang pangyayari sa buhay mag-asawa nina Matteo at Sarah.
Noong magdiwang ng kanyang ika-38 kaarawan si Sarah noong July 25, binati ni Matteo ang asawa ng “Happy birthday my love! This will be the best year ever [heart emoji].”
Ang naturang pagbati ang pinaghihinalaan ng marami na baka nga this year na magaganap ang pinaka-aabangan nilang pagbubuntis ng Pop Royalty na nag-lay low nga sa kanyang showbiz activities.


