Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Matibag sasagot sa ‘hanging questions’ ng NBI witnesses

Sasagutin ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang mga naiwang tanong sa testimonya ng unang dalawang testigo ng ahensya kaugnay ng umano’y pagbabanta ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni House impeachment trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na tatalakayin ni Matibag ang mas malawak na preliminary investigation na isinagawa ng NBI bilang isang institusyon.

“Our last witness that we will present tomorrow will be Director Matibag para masagot at matahi ‘yung mga hanging questions na tinanong in the previous two weeks, last week kay Mr. Lotoc,” paliwanag ni Alonto Adiong.

Unang iniharap ng House prosecution panel si NBI Senior Agent John Mark Calilung. Pinatotohanan niya ang mga recording na naglalaman ng mga pahayag ni Duterte at ipinaliwanag ang pagkuha at pangangasiwa sa digital evidence.

Sumunod na tumestigo si NBI official Jeremy Lotoc tungkol sa imbestigasyon ng Cybercrime Division at mga natuklasan nito kaugnay ng mga naitalang pahayag.

Inaasahang sasagutin ni Matibag ang mga usaping hindi ganap na naipaliwanag ng unang dalawang testigo dahil nakatuon lamang sa kani-kanilang yunit at tungkulin ang kanilang kaalaman.

“So ito ang magiging baga finale nitong article 4, ang presentasyon ng House Prosecution Panel kay Director Matibag at ang pagbibigay niya ng information, facts surrounding the preliminary investigation conducted by the NBI,” diin ni Alonto Adiong.

Saklaw ng Article IV ang umano’y pagbabanta ni Duterte laban kay President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ayon kay Alonto Adiong, sasagutin ni Matibag ang mga tanong ng prosecution at defense batay sa kanyang nalalaman bilang pinuno ng ahensyang nagsagawa ng imbestigasyon.

“What we would expect is Director Matibag to respond to the question by both panels,” sinabi niya.

“We would expect him to inform the court or appraise the court based on the knowledge that he has surrounding the preliminary investigation,” dagdag ni Alonto Adiong.

Inaasahan ng prosecution na kukumpletuhin ng testimonya ni Matibag ang kanilang presentasyon ng ebidensya sa Article IV bago tumuloy ang paglilitis sa alegasyon tungkol sa confidential funds.

“In fact, hindi lang in-expect, yan yung ipapakita natin sa taong bayan at ipepresenta sa korte,” diin ni Alonto Adiong. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles