Sa 16 na Block 1 artists na inilunsad kamakailan under STAR WORX ng TV5, isa si Marthena Jickain sa mga agad napansin at pinagkaguluhang kausapin ng mga members of the entertainment media.

Agaw-pansin din kasi ang kanyang ganda, ang husay sumayaw at ang galing nitong sumagot sa mga tanong na hindi man lang kakikitaan ng nerbyos o takot sa mga mapanuring media people.
“Naku, I’m a bit nervous din po. Siguro po kasi ay nasanay na ako na makita kayo kasi growing up, halos lahat naman po ay mga kaibigan ng mama ko, ang nakikita ko na din po kayo,” tugon ng 19 year old na si Marthena.
Anak ng maganda at award-winning actress at QC Councilor Aiko Melendez si Marthena sa ex-husband nitong si Martin Jickain, isang dating ramp and fashion model na negosyante na ngayon.
Second year AB Development Studies student si Marthena sa Ateneo de Manila University at halata dito ang pagiging very studious at natural communicator. Pareho siyang magaling sa tagalog at english kaya naman madali siyang nakagiliwang kausapin ng mga kasamahan sa media.
Sa tanong kung may advantage ba na anak siya ng isang kilalang aktres at mahusay na public servant, “I’d say po that it’s a privilege and blessing that my mom carved out, almost, her career enough for me to also be in this industry po.And I’m very grateful because I was able to be given this opportunity to be here today,” tugon nito.
“And I take a lot of inspiration from my mom actually, with the way she’s been sa industry na po ito. And it’s something that I take as a blessing,” dagdag pa nitong sagot.
At ngayong pinasok na nga din niya ang pag-aartista o showbiz, hindi daw ito nangangahulugan na hindi na niya tatapusin ang kanyang pag-aaral.
“Iyan nga po yung challenge sa akin ng Star Worx at sa iba pang mga kasama ko dito who are still in school. And I’m also here not just to, you know, recognize that privilege of being my mom’s daughter, but also to show that I’m also equally deserving of it as well, po. So here I am. Sana ay ma-appreciate din at mabigyan ng support,” pakli pa ng magandang dalaga.
Samantala, inamin naman ni Aiko na ginulat siya ng anak sa pagkakaroon nito ng hustong confidence sa pagharap sa media. Noon daw kasing nasa same age niya ito at kahit nag-aartista na siya, timid at shy at talagang madalas daw siyang matakot sa mga reporters.
“Siguro nga ay naturuan ko sila ng tama ng kapatid niyang si Andrei na nasa showbiz na din ngayon. Timplado lang yung confidence, na hindi naman maangas o mayabang, pero saktong mabait at may trust sa mga sinasabi at ginagawa. Basta ako, as their mom, nandito lang to fully support them, walang question iyan,” pahayag ni Aiko.
Dagdag pang reaksyon ng aktres sa chance na soon ay makakatrabaho niya ang mga ito at baka daw “lamunin” lang ng husay niya ang mga ito, paliwanag ni Aiko, “Hindi, hindi. Pagkaganyan, e, ibibigay ko sa anak ko.Yun nga, iniwasan ko, yung comparison. Kasi siyempre, there can only be one Marthena.There can only be one Andre and one Aiko. So I don’t want them to be pressured na, ‘O, yung mom mo ganito, ganyan, ganyan.”
“Kasi ano, e, I believe that Marthena has her own talent and she has every reason to shine on her own,” hirit pa ni Aiko.


