Sa naging panayam ni Senator Imee Marcos kay Mariel Rodriguez sa podcast nitong “Imee&You,” ay napag-usapan ang posibilidad na hindi pa tuluyang magpa-alam ang aktor-pulitiko sa public service.
Nang marinig daw kasi dati ng Senadora ang statement ni Robin na wala na itong planong lumahok sa anumang eleksyon, “Nag-panic ako no’n. Nagsabi kasi siya, hindi na siya tatakbo ng 2028. Sabi ko, ‘Hoy! Ikaw ang pambato namin, ano ka ba?’” sambit pa ng podcast host.
Sumagot naman ang kontrobersyal na asawa ng Senador na siya naman ay laging nandiyan lang to support her husband at kung ano ang mga balakin nito in the future.
At nito ngang halos isumpa na ito ng sambayanan nang dahil sa latest na kinasasangkutan nitong iskandalo at kontrobersya sa isyu ni Sen. Bato dela Rosa, muling nagbigay ng kanyang ‘unwavering support’ si Mariel sa asawa.
Pinatungkulan pa nito ang mga taong nagsasabing hindi deserving maging Senador ang asawa dahil wala itong alam at tila pulos “gulo at kontrobersya” lang ang dala nito sa public service.
“When I said that they don’t deserve him, I’m talking about those who say bad things about him. They do not deserve him,” saad ni Mariel.
Ipinagmalaki pa ng dating actress-host na maraming mga sektor ang patuloy na naniniwala at dumedepende sa klase ng liderato ng asawa lalo na daw yung Muslim community at mga indigenous groups.
Susog nito sa mga adbokasiya ng asawa, “there are so many people — the Muslims, the indigenous groups — ang daming people na umaasa sa kanya. Kawawa talaga sila.”
“When you ask me if I want him to continue, yes. For me, hindi pa po tapos. For me, marami pang hindi natutuunan ng pansin,” hirit pa ni Mariel.
Dahil dito, dinagsa ng bashing at mga pagpuna ang naturang podcast interview, lalo’t paulit-ulit na binabanggit ni Mariel kung gaano ka-matulungin at sobrang ngang generous to a fault ng kanyang asawa na lubos niya ditong hinahangaan.
Tanong ng mga bashers, “Does “Generosity” mean lots and lots of government contracts?
“So what kung generous siya? Iyan lang ba ang gagawin sa isang public servant? Paki enumerate nga sa mga bills na nagawa niya? Yung bills na for a selected group na makikinabang din siya?,” sabad ng ilan.
May humirit pang, “same drama. Tulong? It’s his job! He is given a budget to provide a service. Nakakauto ng napakadali ang mga kagaya ni Robin sa bobotanteng Pinoy.
Heto pa ang ilang mga naging hanash o komento ng socmed peeps:
“Generous naman talaga si Robin pero mahilig din siya tumanaw ng utang na loob to the point na kahit mali kakampihan nya dahil sa utang na loob. Hindi na nya ginagawa tama dahil sa utang na loob. Utang na loob, wag na kayo bumoto ng mga madaming utang na loob. Sa utang na loob ipapahamak tayo!”
“Lawmaker ang Senador hindi charity..sana sa PCSO si Robin hindi sa Senado..Nagpapahirap ang mga botanteng kawang-gawa ang tingin sa Senado.”
“Trabaho niya yan. He is mandated by law to serve the public.”
“Kung tulong lang maraming NGO hindi na nga kelangan pumasok ng politika ni Idol Robinhood at hindi din trabaho ng senador Robinhood ang magpatakas ng wanted. P.S. wag po balat sibuyas pagnasigawan lalo na pagumeepal.”
“Generosity is different from Public responsibility.”
” Ask Ogie Diaz siya mismo nagsasabi na napakadaming tinutulungan ni Robin Padilla .wag mo igaya si Robin na pinaghirapan kita niya. Hindi galing sa pagnanakaw gaya ng mga ganid na buwaya.”


