Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Makatizens dismayado sa pagtanggal sa free meds benefit ng Yellow Card sa Makati Life

MAKATI CITY – Dismayado ang ilang Makatizens matapos ipatupad ng Makati Life Medical Center ang bagong alituntunin sa outpatient medicines sa ilalim ng Makati Health Plus o Yellow Card Program, alinsunod sa direktiba ng City Government of Makati.

Simula ngayong araw, May 31, hindi na saklaw ng Yellow Card sa Makati Life ang outpatient prescriptions at take-home medications.

Gayunman, nilinaw ng Makati Life na magpapatuloy ang pagbibigay ng mga gamot na ginagamit habang naka-confine o sumasailalim sa emergency treatment ang pasyente.

Ayon sa Makati Life, nakatanggap ito ng liham mula sa Office of the City Administrator noong April 30 tungkol sa pagtigil ng outpatient pharmaceutical dispensing sa ilalim ng Yellow Card Program.

Una sanang ipatutupad ang direktiba noong May 1. Pero matapos ang koordinasyon ng Makati Life at City Government of Makati, na-defer ang implementasyon hanggang May 30 para magkaroon ng maayos na paghahanda at transition para sa mga pasyente.

Sa panahong ito, humiling ang Makati Life ng pagpupulong para mapag-usapan ang detalye at mekanismo ng pagpapatupad.

Sa naturang meeting, ipinaliwanag umano ng City Government of Makati na bahagi ang hakbang ng mga paraan para mapangalagaan  umano ang sustainability ng Yellow Card Benefit Program at matiyak ang patas na alokasyon ng resources sa lahat ng benepisyaryo.

Maaari pa ring bumili ng iniresetang gamot sa OPD Pharmacy ng Makati Life sa cash basis. Ayon sa ospital, tutulong din ang hospital team sa pagbibigay ng available at mas abot-kayang alternatibong gamot kung kailangan.

Nilinaw din ng Makati Life na tuloy ang iba pang serbisyo sa ilalim ng Yellow Card Program, kabilang ang consultations, diagnostic procedures, emergency care, confinement, at iba pang serbisyong pang-ospital.

Pero sa social media, umani ng reklamo ang pagbabago.

Sa social forum site na Reddit, shinare ng user na si ScarcityAgreeable991 sa subreddit r/makati, na buntis siya at umaasa sanang gamitin ang Yellow Card at Makati Life para sa panganganak.

“Just saw this post from Makati Life Medical Center, currently expecting my first baby and planning to take advantage of my Yellow Card and Makati Life Medical Center but sadly my OB said na Makati Life is in the process of dishonoring our Yellow Cards since the City Government failed to pay them for almost 8 months already and running the hospital at a loss,” saad ng Redditor.

Dagdag pa niya: “Honestly aside from an ID para saan pa ba tong Yellow Card? Kasi the last time I went to OsMak (Ospital ng Makati) wala namang Labs and asked me to shell out x amount to run some tests.”

Sa update post, sinabi rin ng Redditor na inalok umano siya ng kanyang OB na lumipat sa ibang ospital sa ilalim pa rin ng care nito, ngunit kailangan niyang magbayad ng malaking halaga maliban pa sa PhilHealth.

“The reason for the update is may tea yung OB ko,” saad ng post. Sinabi umano ng kanyang OB na trending ang Makati Life sa “Rabbit app,” na kalaunan ay na-realize niyang Reddit pala.

“Well ayun na nga the tea is ang balak daw pala ng admin ni Nancy is to dismantle Makati Life service by service by tranches daw and yung OPD Labs and Consults ang next since may favored clinic daw si Mayora,” saad ng post.

Nilinaw naman ng Redditor na umaasa siyang mali ang impormasyong ito.

“Well I hope mali tayong lahat but only time will tell if totoo. I sincerely hope healthcare won’t become a gambit played by politicians,” dagdag niya.

Nanawagan din siya sa Makati City Government: “To the Makati City Government, please prove me wrong and stop messaging me with new accounts asking for my details. Kung ano man yang assistance na i-extend niyo sa akin, i-extend niyo sa lahat, huwag lang sa maiingay na buntis tulad ko.”

Ilan pang Reddit users ang naglabas ng pagkadismaya sa umano’y pagbabago sa serbisyo.

“Nadedegrade na experience and benefits since umupo si Nancy compared nung time ni Abby,” komento ng isa.

“Sa yaman ng Makati, di mabayaran yung Makati Life? Nakakagalit na after 1 year na-degrade agad yung services kahit pareho yung taxes na binabayaran natin,” sabi ng isa pa.

May isa ring nagkomento: “Walang kwenta si Nancy. Paurong ang palakad.”

“The real Binay continuity was never in the last name during the last elections. But maybe we’ll finally get everything back in the next local elections when Abby can run again. For now, tiis-tiis hehehe,” saad ng isa pang user.

May nagbahagi rin ng malaking tulong noon ng Makati Life sa kanilang pamilya.

“Makati Life is the main reason pa naman why I got a Yellow Card especially since wala kaming binayaran sa almost 2M na hospital bill ng tatay ko last year,” anang isang Redditor.

Sa ngayon, wala pang opisyal na reaksyon ang Makati City Government hinggil sa mga claim at reklamo online. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles