Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Madriaga sa Kamara: May usapang patalsikin si BBM, may cash deliveries pa kay VP Sara

Sunod-sunod na alegasyon ang inilabas ng nagpakilalang witness laban kay Vice President Sara Duterte na si Ramil Madriaga nang basahin niya sa House Committee on Justice ang kanyang supplemental affidavit tungkol sa umano’y political sabotage, campaign funding, at paglipat ng malalaking halaga ng pera sa ilalim ng utos umano nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.

Under oath, kinumpirma ni Madriaga na siya ang gumawa ng kanyang affidavit noong November 29, 2025 at ng supplemental affidavit noong April 11 ngayong taon. Aniya, naghain siya ng karagdagang salaysay matapos itanggi ni VP Sara na may kaugnayan siya rito at na wala itong ibinigay na utos sa kanya.

“Her denial of any affiliation with me is absolutely false. She lied under oath in her perjury complaint against me,” sabi ni Madriaga. Dagdag pa niya, ang supplemental affidavit ay naglalaman ng “additional accounts of other orders, tasks, or works given to me by either PRRD or VP Sara.”

Ayon kay Madriaga, personal siyang ipinakilala ni former President Duterte kay Sara noong 2018. “During this meeting, PRRD introduced me to Sara and told me, Ram, ikaw na bahala kay Inday.” Sinabi rin niyang madalas silang nagkakausap at may bilin umano si Sara na tawag ang gamitin sa komunikasyon at iwasan ang text hangga’t maaari.

Isa sa pinakamabigat na bahagi ng kanyang salaysay ang umano’y usapan bago ang 2022 elections. Ayon sa kanya, sinabi raw ni ex-President Duterte na tatakbo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pangulo at si Sara bilang bise presidente. Dagdag niya, may napag-usapang kasunduan. “However, they also agreed that by 2025, BBM will voluntarily step down to give way to the Sara presidency.”

Sinabi rin ni Madriaga na nakadalo siya sa mga talakayan matapos maging bise presidente si Sara, kung saan umano’y pinag-usapan ang mga paraan para mapatalsik si Marcos bago matapos ang termino nito. Ayon sa kanya, kabilang sa mga tinalakay ang political sabotage sa loob mismo ng administrasyon para magbunga ng impeachment complaint.

Sa usapin ng kampanya, sinabi ni Madriaga na inatasan umano siya noong 2020 ng mag-amang Duterte na tumulong sa pagbuo ng isang organisasyon para suportahan ang presidential bid ni Sara. Ito umano ang “Inday Sara Duterte Is My President” (ISIP) Pilipinas. 

Ayon sa kanya, may pondo umanong inilaan para sa ISIP mula sa mga kaibigan at supporter ni Rodrigo Duterte. Binanggit niya ang isang taong nagngangalang “Lin-Wei Zhong” at ang kumpanyang  Pharmally bilang isa sa mga pinanggalingan ng pondo. 

Isinalaysay niya ang umano’y turnover ng P175 milyon sa basement parking ng SEDA Hotel sa Quezon City. “The money was placed inside several large backpacks and bags,” aniya. Idinagdag ni Madriaga na inilagay niya ang pera sa kanyang white Toyota Land Cruiser at dinala sa kanyang bahay para gamitin sa campaign activities ng ISIP sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Quezon, Binangonan, Bicol, Antipolo, Quezon City, Zambales, at Leyte. Ayon sa kanya, ginamit ang pondo para sa merchandise, biyahe, renta ng opisina, at allowances ng organizers at volunteers.

Sinabi rin niyang personal siyang naghatid ng P15 milyon sa isang “Attorney Ryan” sa Office of the Ombudsman. Nang maubos umano ang unang pondo, kumuha pa raw siya ng karagdagang P100 milyon mula kay Maestrado Lim sa Hyatt Regency sa Bonifacio Global City. Binanggit din niya rin si Michael Yang bilang isa pang umano’y nagbigay ng pondo sa ISIP.

Sinabi rin ni Madriaga na nagpatuloy siya sa pagtulong kay Sara nang tumakbo ito bilang vice president noong 2022. Aniya, naging bahagi siya ng campaign sorties at nagsilbing advance party sa iba’t ibang lugar.

Ikinuwento rin niya ang umano’y direktang utos ni Sara noong December 20, 2022 kaugnay sa paglipat ng pera. “Sara called me and she said, Sir Ram, please coordinate with Col. Nolasco. We have a delivery to San Pablo, Laguna, 9th Street, and Ombudsman.”

Ayon kay Madriaga, pumunta siya sa DepEd Central Office sa Pasig kung saan nakita niyang may apat na bag na ibinaba mula sa dalawang government vehicle. “Col. Nolasco told me that each bag contained around P30 million to P35 million.” Sinabi niyang ang ilan sa mga bag ay dinala sa Laguna at sa Nobu Basu sa Tomas Morato, habang ang iba ay dinala kinabukasan sa Ombudsman parking lot.

Inilarawan din niya ang laman ng mga bag. “That’s when I verified that the contents of the bags were bundles of cash in 1,000 denominations and packed in stacks of P1,000,000 each tightly sealed in transparent plastic.”

Pinabulaanan din ni Madriaga ang ulat na ang P125 milyong confidential funds ng Office of the Vice President noong 2022 ay nagalaw sa loob ng 11 araw. “This is wrong because I personally disposed the money in less than 24 hours,” aniya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles