Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Libreng bigas sa Makati kinuwestiyon: sino ang nakinabang?

Sino ang nakinabang? Kailan inannounce? Bakit hindi alam ng marami?

Yan ang mga tanong na namutawi sa social media matapos mag-post ang Facebook page na “My Makati” ng video kung saan ipinakitang namimigay ng libreng bigas si Mayor Nancy Binay sa Makati Coliseum noong May 8, Miyerkules, katuwang ang mga opisyal ng lungsod.

Bahagi raw ang pamamahagi ng tuloy-tuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Makati sa food security program ng national government. Bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng 10 kilong bigas sa apat na beses sa loob ng taon.

“On behalf of the people of Makati, taus puso po ang aming pasasalamat kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa programang Biyayang Bigas para sa Makati,” ani Binay sa video.

Pero kasabay ng pamimigay, bumuhos din ang tanong ng ilang residente: sino ang nasa listahan, paano pinili, at bakit maraming Makatizen ang tila walang alam sa schedule?

“Malapit ako dto sa Coliseum saka solo parent ako, bakit hindi ko alam yan,” tanong ng isang Facebook user sa comments section.

“Sa amin nakinabang mga barangay official at tanod, para daw sa kanila yun,” dagdag ng isa pa.

“Bakit walang announcement? Sabi dati mag-abang ng post and announcement sa page tapos ngayon may distribution na?” tanong naman ng isa pang Facebook user.

Pahayag pa ng ilan pang Makatizens sa Facebook,  dapat malinaw daw kung sino ang sakop, paano pinili ang recipients, at kailan ang schedule ng pamamahagi, hindi yung “una ang kamag-anak,” “una ang kakampi,” at “una ang kapamilya.”

“Lahat ng Makati voters, mayaman man o mahirap, automatic dapat meron nyan,” giit ng isa pang Facebook user sa comment section sa My Makati.

Nauna nang ni-rollout ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Biyayang Bigas program sa ibang lungsod sa Metro Manila, kabilang ang Maynila sa nagdaang mga linggo.  Anang pangulo, bahagi ito ng mitigation program sa gitna ng oil crisis.

Wala pang bagong anunsyo ang Makati City government tungkol sa future distribution ng libreng bigas. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles