Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Lalaki arestado sa tangkang pekeng P172M lotto claim sa Mandaluyong

Arestado ang isang lalaki matapos umanong tangkaing i-claim ang P172 milyong jackpot gamit ang pekeng lotto ticket sa Philippine Charity Sweepstakes Office sa Mandaluyong City noong April 27, ayon sa Philippine National Police.

Batay sa inisyal na beripikasyon, lumabas na ang winning number combination ay na-claim na nang lehitimong bettor bago pa dumating ang suspek. Sa masusing pagsusuri ng ipinakitang ticket, natukoy ang “visible alterations, including handwritten entries,” na kalaunan ay kinumpirma ng PCSO Data Center at Security Office bilang “tampered.”

Agad na inaresto ang suspek sa loob ng PCSO premises at isinailalim sa kustodiya ng pulisya. Kinuha rin bilang ebidensya ang naturang ticket.

Dinala ang lalaki para sa standard medical examination at kasalukuyang nahaharap sa ligal na proseso sa koordinasyon sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office para sa kasong falsification of public document. 

Patuloy ang imbestigasyon habang pinoproseso ang kaso laban sa suspek. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles