Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

La Salle magtatangkang walisin ang UAAP golf tournament

Hindi maganda ang porma pero mahigpit na kumapit si Perry Bucay sa men’s individual lead sa UAAP Season 88 golf tournament third round sa Tagaytay Midlands sa Batangas nitong Miyerkules.

Pumalo ng 76 si Bucay, sapat lamang para sa tatlong puntos kalamangan sa total na 219 kay Joshua Buenaventura (73-222) ng University of the Philippines (UP).

Pangatlo ang kakampi ni Bucay na si Zach Castro (78-223) at maaari pang lumaban para sa titulo ngayong Huwebes.

Sa ladies’ division, umiskor si Julia Lua ng La Salle ng 85 para sa 250, isang punto lamang sa kakampi na si Alexa Dacanay (83).

La Salle rin ang nangunguna sa team competition.

Ang men’s team ay may 233 sa third round mula kina Bucay, Castro at Zedi Lagman (79) para sa 673 total, abante ng 19 strokes sa UP.

Ang UP ay may kabuuan 692 at nakakuha ng puntos sa third round mula kina Buenaventura, Miggy Roque (75) at Emilio Carpio (78).

Nagtala rin ang Ateneo ng 233 ngunit malayo ang ang hahabulin sa iskor na 704. Umiskor sa third round sina Juan Escano (74), Glenn Unabia (77) at Schmuel Tan (82).

Pangatlo ang University of Santo Tomas (231-743 samantalang ang Adamson ay may 1,110, kasama ang 370 sa third round.

Sa ladies’ team division, abante ng 15 strokes and Lady Archers (788) sa Blue Eagles (803).

Ang UP ay pangatlo sa 855 total, kasunod ng UST (969) at Adamson (1,113).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles