Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kuh Ledesma, kinuyog ng netizen sa tila pag-endorso kina Sen. Tito Sotto at Kiko Pangilinan

Hindi rin nakalusot ang iconic at legendary songstress na si Kuh Ledesma sa hagupit ng mga netizen na masyadong invested sa politika.

Sa tila endorsement kasi ng sikat na singer na tinatawag na OG Diva ng OPM kina Sen. Tito Sotto at Sen. Kiko Pangilinan bilang malakas umanong tandem para sa 2028. kuyog at pag-aalipusta ang inabot ni Kuh.

Pati tuloy yung infamous ‘gusot’ niya with then VST and Company kung saan member si Tito sotto ay na-drag at inungkat pa ng netizen saying na during those days ay sumumpa si Kuh na never niyang nanaisin pang makatrabaho ang mga ito.

Nangyari nga daw iyan noong kasagsagan ng kanyang kasikatan noong 80’s kung saan kinikilala nga si Kuh bilang isa sa mga haligi ng OPM hanggang sa tangkain niyang i-penetrate ang mainstream ‘hollywood’ o USA music industry.

“Pero flop naman siya, Wala din namang nangyari sa mga pa-diva-diva niya kahit yung pagiging judge niya sa Miss Universe noong 80’s,” kuda pa ng netizen.

Ang nasabing tila endorsement ay ang pag-komento nito at balita pang pag-repost nito sa naging viral post ni megastar Sharon Cuneta kung saan kasama nga nito ang Senador na asawa at tiyuhing si Tito Sotto.

Wala na o hindi na makikita sa kahit anong socmed platform ang naturang komento at repost.

Nakilala si Kuh at tinawag na Pop Diva ng OPM sa mga awiting Dito Ba, Till I Met You, Bulaklak, I Think I’m In Love, One More Try, Ako Ay Pilipino, A Long Long Time Ago at marami pang iba. 

Isa din siya sa mga unang concert artists ng bansa na laging nakakapuno ng mga venues gaya ng Araneta Coliseum, Ultra, at iba pang kilalang concert venues noong araw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles