Sa patuloy at mainit pa ring palitan ng mga kuro-kuro ng mga supporters nina Kim Chiu at mga kapanalig ng kilalang vlogger-manager na si Ogie Diaz, humantong na nga ito sa mismong mga personalidad na sina Kim at Ogie.
Nire-repost ni Kim ang pagtatanggol na ginagawa sa kanya ng mga tila ayaw patalong fans niya, kaya’t hindi rin maiiwasang may magtanggol din kay Ogie Diaz.
Subalit nang mismong si Kim na ang magbigay ng kanyang opinyon tungkol sa diumano’y paggamit sa gaya niyang personalidad para ma-monetize ang mga socmed ng kagayang vlogger ni Diaz, hindi na rin ito pinalampas ng vlogger-manager.
Ayon sa post ni Kim sa kanyang socmed na @prinsesachinita, “truelamey!! #cravings nila ako!! Bet na bet! for monetization.Isama ko na rin cguro to sa #KimChiuCharityProgram (emojis) monetization is the key. You’re welcome po (emojis) makatulong man lang sa pang araw-araw (emoji).”
Ito naman ang naging sagot ni Ogie sa kanyang @ogiediaz socmed acct:
“Salamat po. Nakatulong din tayo para makaangat ang isang artista sa mga panahong kailangan nilang makilala at sumikat. At ma-monetize ang career (emojis).”
Viral at pinag-uusapan ang naturang sagutan nina Kim at Ogie. May kani-kanya silang mga supporters at kapanalig na nagbibigay din ng opinyon sa isyung nag-ugat sa pagkakabanggit ni Kim sa name ni Ryzza Mae sa isang portion ng It’s Showtime.
Habang wala namang ipinahahayag na anuman si Ryzza Mae, wala din namang kahit na anong uri ng paghingi ng apology o sorry si Kim o kahit ang programang It’s Showtime sa tinuturing ng marami na isang pagkakamali na nagawa ni Kim.
Isa nga lamang si Ogie Diaz sa mga nagpapaliwanag na marahil ay nagkaroon lamang ng lapses sa judgement si Kim subalit hindi ganoon ang naging pagtingin ng actress-host sa pangyayari lalo’t naramdaman daw nitong may malisya ang muling pagkalkal ni Diaz sa isang lumang isyu sa pagitan nilang dalawa.
Samantala, may mga netizen namang nagsasabing baka daw ine-enjoy na lang nina Diaz at Kim ang kanilang bangayan dahil nga mayroon silang mga supporters na nagpapalakas ng kanilang mga socmed accounts.
Sa katunayan, nitong Biyernes lamang, July 3 ay tila nag-enjoy pa sa pagbatian sa ere sina bosing Vic Sotto ng Eat Bulaga at meme Vice Ganda ng It’s Showtime, para marahil ipakitang hindi sila apektado ng mga nangyayari sa mga kapamilya at kapatid nila.
Nadawit ang name ni meme Vice Ganda dahil tila natuto na rin daw ng kagaspangan ng ugali si Kim, pero dedma lang ang batikang host sa naturang alegasyon.
Dating manager ni meme Vice Ganda si Ogie Diaz at magkaibigan pa rin sila hanggang sa ngayon, habang si Ryzza Mae naman ay mahal na mahal na Dabarkad sa EB, lalo na ni bosing Vic.


