Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

“Kapamilya Deal or No Deal, Everybody Sing”, mapapanood na din sa TV5

Dalawa pang malalaking game shows ng Kapamilya Channel ng ABS-CBN ang parehong mapapanood na din soon sa TV5.

Bilang bahagi pa rin ng bagong kolaborasyon ng dalawang broadcast networks na ABS-CBN at TV5, ang weekend top rating shows nilang Kapamilya Deal or No Deal at Everybody Sing ay mapapanood na rin sa Kapatid network simula ngayong July 4 at 5.

Malaking karagdagan ito sa simultaneous airing ng dalawang game shows sa mga network na ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live on YouTube and Facebook, iWant, at TFC.

“Sobrang exciting ito. Kilala at alam naman natin kung paanong magdala ng game show ang tinatawag na Pambansang Game Show Host na si Luis Manzano plus mayroon ka pang meme Vice Ganda bilang ka-back-to-back, definitely masaya at punumpuno ng mga papremyo ang weekend ng mga televiewers,” reaksyon ng mga loyal viewers ng parehong shows.

Mga bagong episodes ang tine-tape ngayon ng parehong shows at kapwa excited ang mga hosts ng shows na mapanood din sila sa tahanan ng Kapatid network.

Ayon nga sa press statement na inilabas, “As viewing habits continue to evolve, media companies continue to work together to bring more local programs to more audiences. More viewers will be able to enjoy watching “Kapamilya Deal or No Deal” and “Everybody Sing” every weekend on more platforms.”

Kaya maghanda na nga ang mga Kapatid at Kapamilya viewers dahil tiyak na mag-iiba ang kulay ng telebisyon nila tuwing Saturday at Sunday, beginning with “Kapamilya Deal or No Deal” at 7:30 pm, followed by “Everybody Sing,” 8:30 p. on ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant, and TFC.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles