Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

June Mar era sa national team, patapos na

Posibleng huling pagsusuot na ni June Mar Fajardo ng uniporme ng Philippine team sa dalawang laro ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayong Biyernes at sa Linggo.

Ayon kay Gilas Pilipinas coach Tim Cone, lubos siyang nagpapasalamat sa serbisyong ibinigay ng 6-foot-10 na sentro para sa national team.

Sa kabila ng paglalaro ng mabibigat na minuto para sa mother team na San Miguel Beer, nakakahanap pa rin ng oras ang 36-anyos na si Fajardo upang maglingkod sa bansa, ayon kay Cone.

“No one appreciates June Mar more than me. I just love the guy. I just love his sacrifices that he keeps coming in here and play,” ani Cone.

“He’s been playing for a long time, he plays a lot of minutes at San Miguel and he’s beat up. But he’s still coming in and joining us and giving us his best.”

Ang nine-time Philippine Basketball Association Most Valuable Player (2014-2019 at 2023-2025) ay tiyak na makakasama sa second round ng FIBA World Cup Asian qualifiers.

Sa ngayon, may 14-man pool ang Gilas Pilipinas na babawasan para sa final 12 bago ang laban kontra Jordan ngayong 8:30 ng gabi.

Sinabi na mismo ni Fajardo sa Gilas Pilipinas ang kanyang planong pag-alis matapos ang 49-92 na pagkatalo laban sa Australia sa nakaraang window na ginanap sa Perth noong Hulyo 6.

Makakalaban naman ng Gilas ang Iran sa Agosto 30 sa ganap na 8 p.m.

“After the Australian game, he (Fajardo) gave out a long speech in the locker room about how he wants to retire from Gilas similar to what Japeth (Aguilar) did previously the year before,” ani Cone.

Ngunit naramdaman ng national team na dahil may dalawang must-win games na naghihintay sa fourth window, mahalagang makasama muna ang Cebuano star bago tuluyang magretiro.

Nataon pa na hindi maglalaro ang naturalized player na si Justin Brownlee dahil sa mga injury sa hamstring at tuhod.

“We made a plea to June Mar that we needed him. We felt at this level, we’re playing true Asian teams, Middle Eastern teams. We’re not playing the Oceania teams. And we feel June Mar can make a bigger impact against teams like these,” ani Cone.

Agad ng tinanggap ni Fajardo ang hiling na magsilbi bilang national player sa dalawa pang laro.

“Posibleng last two games ko na ito sa national team,” pag-amin ni Fajardo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles