Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jose Mari Chan, ‘oldest music performer’; hindi na na-eenjoy ang royalty?

At 81, hindi na naiisip ng music icon na si Jose Mari Chan na magretiro sa pagkanta at pag-perform. In fact, siya ngayon ang itinuturing na ‘oldest music artist’ sa bansa na aktibo pa rin sa concert scene.

Simula nang sumikat ang pamosong balladeer noong 60’s, naging bahagi na ng OPM si Chan at nito ngang mga nagdaang dekada ay ginawa siyang simbolo ng Kapaskuhang Pinoy dahil sa kanyang sikat na Christmas song.

Unlike his contemporaries na tila gusto na lang eenjoy ang nalalabing mga taon ng kanilang buhay, si Jose Mari Chan ay ayaw pa ring paawat sa paglikha ng mga kanta at pag-perform nito sa maraming mga tao.

Katwiran niya, hanggang may makikinig sa kanyang musika, tuloy lamang ang kanyang pagkanta.

Bilang tinagurian siyang King of Romantic Songs tinuran nito, “Ah, no. I think, for as long as the audience is there, I’m happy to sing for them.”

Dagdag pa niya, “You know, God-willing. Yeah, because music is God’s gift to me. And expressing my songs and giving joy to people, that’s my gift back to God.”

Pagbabalik-tanaw ng 81- year old music icon sa itinakbo ng kanyang career, “Music is my life. Since I started in 1967, I really believed that singing is my calling. When I first came out with my recording of ‘Afterglow,’ which was followed by 1969, ‘Deep in My Heart, ‘ it was never an easy ride. No recording studio would want to produce my songs so I did it myself.”

“Luckily, one thing led to another and in 1972, ‘Can We Just Stop and Talk Awhile, became a hit, then  In ’74, ‘Refrain’ established me more, and I can go on and on and on,” dagdag pa nito.

Ilan pa sa mga sumikat na kanta ni Jose Mari ay ang “Constant Change,” Please Be Careful with my Heart,” “Beautiful Girl”; at ang mga classic na ngayong Christmas songs na “Christmas In Our Hearts,” “A Perfect Christmas,” at “When A Child Is Born.”

Nang mapunta ang usapan sa “royalty payments” dahil lahat ng naturang mga awitin ay talaga namang naging bahagi na ng pinoy music, medyo naging malungkot ang tugon ni Jose Mari.

“That’s the thing nowadays. Wala na yata kaming natatanggap na royalty,” simula nito.

Then nag-enumerate siya ng mga record labels na naging part ng kanyang music career for the past six decades.

“Vicor, for example, is one. And then, Universal Records is another. You know, Dyna Records, Alpha…Unfortunately, since record sales are almost zero now. Nobody buys records, nobody buys CDs anymore. They download. And so, it’s hard to quantify kasi those,” kwento nito.

 Saad pa nito, “So, I have not been receiving my checks from those recording companies.”

Hirit pa ng legendary singer: “Yes, yes. So I feel frustrated, but more so, I feel frustrated for the young singer-songwriters in this country. Na ano na lang future that they can look forward to? You know what I mean? Where can they get their income from? You see?”

Ang royalty ay ang bayad o porsyento sa bawat nabebentang kanta o album mula sa cassette tapes, plaka or vinyls, at CDs.

Hindi na raw maalala ni Jose Mari kung kailan siya huling nakatanggap ng royalty payments mula sa bentahan ng CDs, cassette tapes, at plaka na sa mga panahong ito ay hindi na nga nag-eexist.

Although, sa mga streaming platforms ay mayroong pa rin daw siyang nakukuhang royalty.

Kaya naman ang mga baguhan o mga Gen Z singers na makakasama niya sa upcoming concert niyang Afterglow: Seasons of the Heart ay amaze na amaze sa mga narinig nilang pagbabahagi ng legendary singer na proud naman bilang isang “Baby Boomer.”

Subalit bakas din ang pagkalungkot ng Gen Z artists dahil hindi na nga din yata nila ma-eenjoy ang mga sinaunang porma ng mga music material p kung paanong nai-pre-preserve ang mga kanta to last longer.

Makakasama ni Jose Mari sina Kolette Madelo ng Pinoy Big Brother Gen 11, “Tawag ng Tanghalan” champion Lyka Estrella, at “Tawag ng Tanghalan” 1st Duet Grand Champion at Your Face Sounds Familiar grand winners na sina JM dela Cera at Marielle Montellano sa naturang concert.

Magaganap  ito sa darating na July 11, 2026 sa PICC Plenary Hall.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles