Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ivana Alawi, bad influence nga ba?

Marami ang nagpahayag ng kanilang disappointment kay Ivana Alawi na tila may bagong kampanya sa kanyang sikat na vlog na may kaugnayan o kuneksyon sa “sugal.”

Sa ipinost na video ni Ivana sa kanyang Facebook page ay ipinakita ng sexy actress ang pagbili niya ng 100 units ng bagong iPhone 17 na ipapamigay niya sa kanyang mga tagahanga/supporter.

“First time kong mamili ng ganito karaming iPhone 17,” tsika nito sa naturang video na naka-post sa kanyang Facebook page noong Wednesday, July 15.

Inengganyo niya ang kanyang mga followers na sumali sa pa-giveaway ng bagong smartphone, by following her page, sharing the video, and commenting on their favorite color.

“Para sa inyo gagawin natin ‘to. Share ninyo itong video and make sure naka-follow kayo. Comment down kung ano ang gusto niyong color,” pang-engganyo pa ng aktres, habang nag-a-unbox ng mga inorder na phones sabay pakita ng iba’t-ibang kulay na available ito.

Hirit pa nito, “Happy ako kasi 100 na tao ang makakatanggap and magagamit niyo ‘to.”

Ayon sa mga kaugnay na tsika, umabot ng total na ₱4.28 million ang nagastos ni Ivana para sa naturang gadgets, lalo’t ang halaga ng bawat iPhone 17 Pro unit ngayon ay naglalaro sa P75 hanggang ₱85,000.

“Lahat ito is brand new ang makukuha niyo, ₱85,000 ‘yan, iPhone 17 Pro. Lahat ng iPhone 17 na ‘to ay ipapamigay para sa inyo,” pagmamalaki pa ni Ivana.

Umaabot na sa halos 110 million views ang inabot ng naturang video at meron na din itong halos 4.5 na milyong mga comments

Subalit gaya ng dapat na asahan, may mga netizen pa din na nakahanap ng butas sa tila pagiging generous ni Ivana.

Ayon sa mga ito, hindi umano magandang halimbawa si Ivana sa mga tao lalo na sa mga kabataang tila ini-engganyo pa niyang matutunan ang pagsusugal.

Sey ng netizen, ” the fact na may kuneksyon ito sa CASINO at sugal, hindi talaga mawawala sa amin ang mag-worry dahil kahit indirectly ay hindi ganun ang layunin ni Ivana, pero yung medium na gamit niya ay kunektado pa rin sa sugal. Bad example.”

Dagdag pa ng iba, “alam naman naming eversince ay generous at matulungin si Ivana, pero sana naman ay hindi siya nag papagamit sa mga ahensya, tao o grupong nagsusulong ng “SUGAL” sa bansa. Kahit kailan ay hindi naging maganda at mabuti sa tao ang pagsusugal.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles