“That’s the ADHD in me,” bahagi ng sagot ni Ice Seguerra sa kakaiba niyang nararanasan everytime daw na nagmumukha din siyang fan imbes na direktor ng daily noontime show na Eat Bulaga.
For quite a time now, si Ice na ang umuupong direktor ng longest running noontime show sa bansa kung saan din siya nagsimula at nagbigay sa kanya ng kasikatan.
Nang dahil daw sa kakaibang excitement, high energy at mga new things na kanyang na-rerediscover mula sa Dabarkads, talaga daw may mga moments na hindi na niya namamalayan na nagiging fan siya gaya ng isang ordinaryong manonood.
“Minsan pa nga, bigla na lang akong sisigaw, magpaparticipate sa mga contestants, mga ganun na para ngang may ADHD ako sa director’s booth at kadalasan ay nakakalimutan kong nagtatrabaho pala ako bilang direktor ng show,” ang natatawa pang tsika ni Ice.
Aliw na aliw umano siya sa husay nina MIles Ocampo, Ryzza Mae Dizon at Maine Mendoza na para sa kanya ay mga babaeng “Itlog” ng noontime show dahil sa baon-baon ng mga ito na saya, genius sa pagpapatawa, natural na falre sa comedy at husay sa pagdedeliver ng mga spiels.
“Iyun bang any moment, bigla na lang silang mababasag at maglalabas ng mga nakakatuwang spiels, jokes at banters na swak na swak sa gusto ng live audience and for sure, televiewers,” hirit pa nito.
Although puring-puri din ni Ice ang bawat isa mula kina Jose at Wally, Paolo at iba pang nasa programa.
Given na siyempre ang genius ng mga tatay niyang sina Tito, Vic at Joey, with Allan K on the side.
At sa pag-evolve nga daw ng TV habit viewing ng mga tao, need din daw talagang mag-evolve ang level ng fun and entertainment kaya’t grateful siya sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng Eat Bulaga.
“Balanseng-balanse nga ako ngayon. Sa umaga naka-off cam ako bilang direktor then sa mga shows na ako naman ang nasa harap, singing and serenading audience, ibang high naman. I can’t choose now kung alin ang mas gusto ko dahil without the other, parang hindi ako complete,” saad pa ng EB direktor.


